Mental Ward

397 4 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng ma experience ni Ran ang wheelchair phenomenon. Sa totoo lang pilit niyang tinatangal sa kayang ulo ang nagyaring bagay na iyon. Madalas pag umaalis siya, nagpapasama sa iba, minsan pag wala talagang pwede nagdadahilan siya sa mga bantay na dapat may kasama siya para may representative ang pasyente. Bentang benta naman ang dahilan niyang iyon. Pero nitong nakaraang linggo wala naman na siyang nararanasan. Masaya siya sa bagay na iyon.

10:45 ng dumating siya sa ospital, maaga ng 15 min. May dalawa siyang dahilan, una, may makaksabay siya sa hagdan, pangalawa, may tao pa sa nurses station. Hehehe hindi na siya matatakot. Pagdating niya sa may lobby, binati naman siya ni Kayen. umakyat na siya sa surgical ward kasama ang kaibigang si Danreb. Maraming gawain ngayon sa ospital. Madami silang pasyente.

Ito ang kadalasang reklamo ng mga nurse, 3 lang sila sa mahigit 50 na pasyente. Paano nman ang proper care na maibibigay nila kung dun sa unang lima pa lang ay ngarag at pagod na sila. KAya minsan masusungit ang mga staff lalo na sa pampublikong ospital. Hay napa buntong hininga si Ran. Kailangan niyang mag focus.

Mga ala una ng madaling araw ng mapansin niya ang babaeng kanina pa nakatingin at ngumingiti sa kanya. Nakaupo lang ito sa isang tabi ng tulog na pasyente. Minsan ay nakadungaw lang ang babae sa bintana. Pagnapapadaan siya doon, tumitingin ito sa kanya at napapngiti. Bilang mabait na nurse ngumingiti din siya pabalik. Medyo libre na siya ngayon dahil natapos na nila ang ilan sa kanilang gawain. Lumabas siya sandali sa may veranda. Ang nurses station kasi sa surgical ward ay malapit doon. Napaunat unat siya ng kamay. Humikab siya ng ilang beses din.

"Ma'am tapos ka na sa gawain mo?" nagulat siya at napa hiyaw ng mahina dahil sa biglaang pagsulpot ng babaeng palangiti sa kanya. Sandali siyang napabuntong hininga

"Hindi pa po pero at least nabawasan na. Hindi po kayo makatulog?"

"Ay naku hindi ko pwedeng tulugan yung binabantayan ko kasi baka magising. Hehehe" natawa naman si Ran may pagka komidyante ang babae.

"Anu po pala pangalan niyo?"

"Ana po,nakalimutan niyo na po ba? Palagi nga ako dito eh" nakangiti pa rin ang babae

"Ay naku pasensya na po hindi po kasi ako magaling sa mga pangalan hehehe. Kaano ano niyo po ba yung pasyente" naisip ni Ran na makipag usap para hindi antukin, mukhang game naman si Ana.

"Heheheh, kapitbahay po, wala daw kasing magbabantay, hehehe. Ang cute naman po ng suot niyong earing? handmade po?"

"Ay Oo, nakita ko kanina sa bahay, hindi ko lang lam kung saan ko ulit nabili. Salamat po." medyo nakita niyang lumungkot si Ana. Tapos muli siyang ngumisi.

"May Boypren na kayo ma'am?"

"Ho? ay naku wala po. Eh kayo po?"

"Ay, ahm alam mo ang sweet niya. Palagi niya akong kinukwentuhan tungkol dun sa ugly duckling, ewan ko ba paborito ko yun eh. Hehehe, tapos madalas din siyang magdala ng chokolate cake na may baloons pa. In fairness palagi niya akong bine-baby hehehe. Sayang nga lang kasi nitong huli nagkasakit din siya pero naalagaan ko naman, ayun balik trabaho. Hihihi" parang bata itong nagkwe kwento kay Ran. Tuwang tuwa naman ang huli dahil para siyang nagbalik sa kanyang kabataan.

Masarap kausap si Ana. andami na nitong nakwento sa kanya. Yung tungkol sa aso niyang nasagasaan dahil sinabihan niya ng sit sa gitna ng kalsada, yung teacher niya noon sa math na bobo daw dahil nangongopya sa libro, yung kaibigan niyang hobby ang umutot sa public places, mga kalsmeyt niya na sinamahan niyang mag reunion sa sementeryo, at hindi rin nakaligtas ang kwento ng ugly duckling na parang palikula kung mag kwento dahil may acting pa itong nalalaman. Minsan may special effect at music background. Ibang klase ang babaeng kausap niya ngayon hyper parang naka high lang. Pero nag iiba ang mood niya pag nag kwekwento tungkol sa BF niya, nagiging sweet ito at simple lang. Madalas pang mag appearan ang dalawa lalo na kung sumasakit na ang tyan nila kakatawa. Hindi siya na bore kasama dito, hindi niya napansing alas 2 na pala. Tawa kasi sila ng tawa. Hanggang dumating si JErry mula sa mental ward.

Ang mental ward ay nasa dulo ng ikalawang palapag. May pintuang tinted muna tapos pagpasok mo ay nurses station at isang transparent na door glass ulit kung saan ang kasunod ay ang kanya kanyang silid ang mga pasyente. Nagkakamot ng batok si Jerry na lumapit sa kanila. Napalakas ang tawa ni Ana.

"Ay andyan na yung masungit pero cute na nurse oh, hahahahah uy lalapit yan sa akin'

Natatawa lang si Ran. Lumapit nga sa kanila si Jerry.

"Pasensya ka na ma'am Ran kung ginugulo ka ni Ana. HIndi ko kasi napansing nakalabas siya. Pasensya na"

"Huh? Ahm anung..." tinignan niya si Ana. Napasampal siya sa noo. Hindi niya napansin ang wrist band nito na kulay berde. Ang kulay ng mga mental patient nila. Napatawa siya sa sarili. Medyo napahiya. Ginatungan niya ang pag iilusyon ng pasyente na dapat ay hindi niya ginagawa. Napakamot ulit ng batok si Jerry. Natawa ng lalo si Ana. Sumisigaw na rin ito.

"Sige mam Ran ibabalik ko na si Ana. Pasensya na ulit." nagwawala si Ana ng dalhin siya ni Jerry. Tinatawanan at tinuturo pa si Ran

"Uy Miss Ran, kita tayo ulit ah....hahahaha..wag mo na akong kalilimutan..hahahah... Miss Ran...I miss you.....hahaha...Bisitahin kita minsan ha..puntahan kita ulit dito...hahahaha" patuloy na sinasabi ni Ana ang mga salitang iyon. Napakaway na lang si Ran at Napatango sa sinasabi nito. Nang tuluyan nang mawala ang dalawa, saka siya napa iling iling na pumasok at nakangiti.

Part II

Patapos na ang duty nila. Tapos na rin silang mag endorse sa susunod na shift. Napa unat ng kamay si Ran. UUwi na naman sila. Pagkatapos maayos ang sarili at gamit, paalis na sana siya ng may tanungin ang kanyang kasama.

"Ran hindi ka ba pumunta kila Ana?"

"Sinong Ana" nagtataka siya.

"Hala yung kasintahan ni Jerry?"

"Ha?" biglang kinilabutan si Ran

"Anung ha? diba kahapon ang death anniversary nila. Naalala mo nung last year na nag volunteer tayo sa mental ward tapos may naging pasyente tayo na naging close natin si Ana. Na may relasyon pala kay Jerry yung isang staff?"

"A-anung nagyari?" tumatakbo sa isipan ni Rana ng nagyari kagabi.

"Anu ba yan, ang bata mo pa may amnesia ka nah. Eh diba nga nalaman ng admin kaya tinanggal si Jerry, eh sinundan pala ni Ana at hinabol, binalak nilang tumakas pero sinundan ng security. Tapos nga hindi napansin ni JErry yung truck na parating kaya diretso kaya ayun nahagip sila at dead on spot. Imposibleng nakalimutan mo sila eh diba may regalo tayong natanggap dun"

"Ha?"

"Ay naman Ran, kumain ka kasi ng gulay, at simulan mo na ang pag inum ng vit. B. Ayan nga oh, SUOT MO YUNG EARING NA BIGAY NI ANA, nu ba yan tara na nga"naiwang nakatayo si Ran. nakahawak sa kayang tenga,

Patuloy sa paglalakad si Cj at Joh habang nag kakaroon ng malalim na diskusyon kung sa JOllibee ba sila o sa MCdo kakain. Matagal ang discusyon nilang iyon, kagabi pah.

DUTY HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon