Karaniwan na ang kwento na may mga playboy. Pero hindi pa rin naiintindihan ng mga tao kung bakit playboy at jerk ang mga playboy. Ngayon tatanungin ko kayo. Ano bang pwede pang maging sanhi ng pagloloko ng isang lalaki? Ng mga paglalaro nila.
Unang common na reason – been hurt. Madalas ko nang naririnig ‘yan. Gasgas na nga halos sa pandinig ko ‘yan. At hanggang ngayon hindi pa rin bumebenta sa akin ang mga ganyang dahilan. Bakit? Kasi sobrang shallow.
Ang pangalawang reason – gusto lang nila. Hinda pa sila ready. Oh eh ano ngayon? Kung hindi pa kayo ready bakit kailangang idamay ang mga babae sa kawalan n’yo ng pagka-boy scout sa katawan? Pero ang totoo n’yan, trip lang naman talaga nila. Kahit pagbali-baliktarin n’yo ang mundo, mas masarap ang maglaro kaysa ang mapaglaruan.
At pangatlo? Well…wala na akong maisip. Siguro hanggang doon lang talaga. To top it all, cute naman talaga para sa mga babae ang makakilala ng Mister karinyosong expert sa pagharot. Kaya plus pogi points ang mabansagang playboy sa kanila.
Pero ang masaklap n’yan, ako ‘tong mismong nagsusulat ng ganitong bagay, ako rin mismo ang naka-encounter sa mismong tinatalakay ko ngayon. Ako si Lex at simula sa araw na ‘to, babaliktad ang mundo ng mga playboy. ^______<
![](https://img.wattpad.com/cover/501030-288-k210402.jpg)
YOU ARE READING
He Says, She Says
HumorPlayboys are simply playboys. But with a hot loveable womanizer who's madly in love with a girl who hates him the most, how can a playboy cope with the emptiness and mostly... the abandonment issues? He says she's boring. She says he's a walking o...