Chapter Fifteen
Screw Work
(Bryce’s POV)
“Wait a sec, rewind, Ana. Ulitin mo nga. Anong sinabi mo?”
Nag-smirk siya sa akin bago naupo sa silyang nasa harapan ng office desk ko. “You heard me right. Kumbaga sa libro isa ka nang standalone. A bachelor of your own. Three years, Bryce, nagawa mong maging bilyonaryo ng three years. I mean… that’s a freaking miracle. Wala pa atang nakakagawa no’n. So Emerald is offering you to be a part of their bachelors.”
Umiling lang ako. Though nakaka-flatter yung reason kung bakit may offer na gano’n, I won’t subject myself to that kind of idiocy again. “No offense, munchkin, pero bakit sa tingin mo ako napadpad sa pagiging drug addict, lasinggero at sugarol? It’s because of that damn arranged marriage on Lex’s side. Hindi ako uulit sa gano’n, Ana. I would marry no one but Lexine.”
“Munchkin, bestfriend mo ako. Pamilya ko ang nagpapatakbo ng Emerald. Majority ng shares nun akin. May silbi naman ako sa lipunan kahit papaano kaya pwede kitang tulungan kung magpapa-ampon ka lang sa Emerald bilang bachelor.”
“Ang problema nga hindi ako bachelor. Taken ako, Ana. Hindi mo ba nakikita ang signage sa noo ko. Isang malaking TAKEN with a capital T ang nakalagay d’yan.”
“What a signage but whatever. We can change the rules. Kapag nasa Emerald ka, then you get Lex to be your fiancee edi mas madali ang solve ng problema n’yo about the Gonzales’s clan and Lex’s dad. Trust me, akong bahala.”
I frowned while weighing the pros and cons of the offer. Ang sabi sa rule, kaya lang naman may arranged marriage eh dahil sa mga successor ng companies especially kapag malaking clan ang pinag-uusapan. Ang kailangang lang naman ng mga Gonzales eh yung capable na magpatakbo ng kompanya nila.
I’m able. And having Emerald to back me up, it makes me more than able to do that.
“Munchkin.”
“Oh?”
“Di mo’ko ilalaglag?”
“Anong klaseng tanong ‘yan? Natural hindi. Bakit kita ilalaglag, gago ka ba? Kapag naipit ka na naman sa panibagong problema at nawala na naman si Lex sa’yo de nagkanda-loko-loko ka na naman. Maawa ka naman sa’min ni Mapie, hindi ko na keri kapag nagpaka-gago ka na naman.”
“Oo na, oo na. Kung makakabuti para sa’min ni Lex then fine. But for the meantime I’m out of here.” Sabay tayo ko at kuha ng bag sa couch.
YOU ARE READING
He Says, She Says
HumorPlayboys are simply playboys. But with a hot loveable womanizer who's madly in love with a girl who hates him the most, how can a playboy cope with the emptiness and mostly... the abandonment issues? He says she's boring. She says he's a walking o...