Chapter 11 - Brithday Celebrant

25.7K 342 8
                                    

Matagal tagal din kaming nagusap at naglakad lakad ni Drew dito lang sa loob ng Orphanage campus.

"Sige mauna na ako Drew ha?" Pagpapa-alam ko dahil mag te-ten oclock na din. Nang makadating na ako sa room kung saan ako mag sstay hanggang saturday, nakita kong may nakatayo sa may pintuan ko at siya ay boss na boss ang dating na naka crossed arms pa.

"Saan ka galing?" Masungit na pagtatanong niya. Tae talaga to! Masyadong pinapanindigan ang pagiging kuya! Eh di nga kami magkadugo! Jusme kahit nga step brother hindi ko siya ganun.

"Pwede ba kapag tayong dalawa nalang wag kang parang kuya ko? Ang weird eh." Sabi ko sakanya at tinapik ang balikat niya para tumabi sa dadaanan ko.

"May curfew ka dapat eh." Ayan nanaman siya. Kuya tama na nasasakal na po ako.

"Che, bahala ka jan." Isasarado ko na sana ang pinto kaso naudlot ito nang iharang nya ang paa niya. Dapat tinuluyan ko na ang pag sarado eh nang maputulan siya ng paa.

"Bakit Kuya? May kailangan ka ba kuya? Ha kuya?" Aba sige kung gusto niya talaga maging kuya ko, BAHALA TALAGA SIYA GAME READY AKO!

"May tatanong lang sana kasi ako.." Napakamot pa siya ng ulo nang sabihin niya yan. Nahihiya ang mokong, hahaha ang cute ah inferness! joke. Feeling cute siya.

"Ge, ano yun?"

"Red or Pink?" Naghintay siya sa pintuan ko para jan? Is he insane?

"Wala. Para san ba yan?"

"Ah... may bibilhin kasi ako." Tinignan ko naman ang cellphone ko at nun ko lang nalaman na birthday ko na pala bukas. Hindi kaya bibilhan niya ako ng regalo?

Tsaka lang nag flashback ang mga nakita ko sa garden..

Si Angela at si Kyle.

"Wala. Walang maganda sa dalawa. Yellow ang maganda." Bahala siya diyan magdecide.. Di ko iya sasagutin ng matino. Bakit di niya tanungin girlfriend nya? Bakit ako pa? Parehas ba kami ng tipo nun ni Angela? Sa ugali palang hindi na sa mga paborto pa kaya? Ba’t ako pa na walang alam ang tinatanong? Bigla atang naginit ang dugo ko.

Napa sigh lang naman siya at umalis na. Ganun ba kaimportante ang bibilhin niya at masyado siyang nag aalala dun? Well.. para sa girlfriend niya eh, edi malamang importante talaga.

11:00... di ako makatulog. Nagbalik ang mga alala-ala ko.. naalala ko ang kabutihang ginawa ni Drew sa akin na habambuhay kong aalalahanin at habambubay ko siyang pasasalamatan.

Drew saved me.

Dahil sakanya kung bakit ako nandirito pa na tumatawa at ngumingiti.

12:00AM.... birthday ko na. But why do i feel so alone? So lonely?

Namimiss ko na ang parents ko.. Si mama na laging nandiyan sa tabi ko sa tuwing kailangan ko siya na hindi ko na nararanasan pa. Ang dad ko na lagi akong inaaliw, malungkot man ako o hindi. Si dad na iniwan na kami ni Mama..

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon