Chapter 32 - Sorry

19.9K 258 7
                                    

"Sino ka-date mo?" Tanong ni Jess sa akin.

"Ako? Wala. Wallflower lang ako dun." Sabi ko at saka nagtingin tingin nalang ulit ng mga damit. Ayokong naririnig yang Halloween Ball na yan, sa totoo lang.

"Ikaw? Wala din naman diba? Kaya may karamay ako." Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya at napakamot sa ulo niya.

"I knew it. Si Red noh?" Sus. Alam ko naman.

"Okay lang ba sayo?" Tanong niya.

"Hah? Bakit naman hindi magiging okay sa akin?" Natatawa kong tanong.

"Kasi pinsan niya si--" I cut her off.

"Don't worry about it. Magkapatid kami dito, remember?" Pagkatapos nun ay hindi na kami nagsalita at namili nalang ng mga damit at bagong make up na gagamitin namin para sa halloween ball. Yep, may pera na ako ngayon kasi hindi ko na tinanggihan ang pinapadala sa akin ni Mama at Lolo ngayon. Babalik din naman na ako sa France diba? So what's the use kung tatanggihan ko pa yun?

"Daming pera ngayon ah?" Pangaasar ni Jess sa akin. Hindi ko pa nga pala kasi nasasabi sakanya na tinatanggap ko na ang pera na binibigay sakin.

"Hindi akin 'to noh. Kay mama to galing." Sagot ko sakanya habang tinitignan isa isa yung mga dress na nakasabit.

"WHAT?! Akala ko--" Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya at inexplain ang lahat. Na wala naman nang use kung hindi ko 'to tatanggapin since malapit naman na ang pagbalik ko sa France, kila lolo. Naintindihan naman niya 'yun pero hindi pa rin syempre mawawala ang pagkaka worried niya.

"Sigurado ka na ba talaga? Kasi alam mo feeling ko magiging okay din kayo eh. Hindi pa kasi kayo nagkakausap ng maayos kaya ganyan." Sana nga pwede pa maayos kagaya ng pagkakaisip niya. Well oo pwedeng pwede pa maayos pero hindi ko kaya. Simula palang kasi, may gusto nang babae ang mama niya para sakanya at si April yun. And si April, she needs someone to be with. Wala na mga parents niya at hindi naman sila okay ng kapatid niya na si Jessica Flinns. Si Kyle nalang talaga ang meron siya. Eh ako? May mga kaibigan pa ako, si Jess at Nicki. Andito rin sila Drew, Angela at higit sa lahat si Lolo, si Mama at si Tito Enrico.

"Mamili na nga lang tayo! Nagddramahan pa eh hahaha" Sinabi ko with pilit na tawa pa. Pero as usual, bestfriend ko ang kausap ko. Malakas ang pakiramdam niyan sa mga bagay-bagay.

Tinignan lang niya ako at sumimangot sakin.

"Alam mo kasi, you don't need to pretend na masaya ka sa harap ko at ni nicki dahil alam naman namin kung ano talaga ang nararamdaman mo kahit anong tago ang gawin mo jan. Okay? Halika na! Shopping!" Bigla nalang nagbago ang aura niya at bumalik na ang lokaret na si Jess.

"Mas bagay to sayo! Hot and Sexy! The new sweet and spicy! Oohlala~" Inabot niya yung black with konting red na dress or gown? Ewan ko. Basta hanggang baba lang siya ng tuhod. Wala siyang strap so tube siya at may mga studs sa unahan kaya ang cool tignan.

"Okay! Eto na susuotin ko!" Sigaw ko sa loob ng fitting room. Sakto lang yung length at size nung dress sa akin. Tama lang din ang kulay nito para sa tone ng skin ko.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon