Chapter 15 - Preparation for Sibs Day

24.5K 353 10
                                    

Eto na ang araw.  Tapos na ang mission event namin sa orphanage. Medyo fail nga dahil hindi naman namin masyadong nakasama yung mga bata. Paano kasi nag birthday pa ako at nasabayan pa nung sunog dun sa resto na kung nasaan ako. Sa loob ng tatlong araw ang daming nangyari. 

 Today is another day at haharapin ko na ulit ang schoolmates at classmates ko. Pagpasok na pagpasok ko ng campus ay nahalata kong busy silang lahat. Busy ang mga janitor sa pagkarga ng mga speakers and everything. Yung mga art club members naman busy sa pag design ng auditorium at stage na gagamitin. Ang mga magkakapatid busy din sa kani kani-kanilang room na assigned. 

 Habang nagmamasid masid ako ay nagulat ako nang biglang may mga nagtilian. 

"Ang gwapo niya talaga!” Pagpapantasya ng nakararami sakanila.

"Magkapatid nga talaga sila! Walang duda!” 

Una kong hinala ay isa sa mga kaibigan ni Kyle ang dumating. Isa sa mga flower boys kuno ng eskwelahan pero hindi. Nagkamali ako.

"Suzy!” Sigaw niya at halos tumalon na sa akin.

"Anong ginagawa mo dito, Drew?" Pagtatanong ko habang pilit na kumakawala sa yakap niya. Pansin ko masyado na nagiging touchy tong si Drew. Medyo hindi na magandang tignan at LALO na dahil nasa harap at likuran namin ang mga fans niya. Ayos diba? May fans na kaagad ang mokong. 

Sa pagyakap niya saakin ay nagsimula ang mga bulong bulungan (ano pa ba ang inaasahan?) Ang iba sinasabi na ano daw sa tingin kong isang scholar at hinawakan ang prinsipe nilang si Drew (alam ko nang mangyayari ‘yan). Ang iba naman sinasabing bagay daw kami. Dun ako nagulat! Takte! Kilabutan nga sila! Step pinsan ko si Drew.

At may iba namang nag seselos. Gusto kong sigawan sila at sabihing wala silang dapat pagselosan pero hindi ko na sila pa papatulan.   

"Dito na ako magaaral!  Yan yung good news ko sayo!" Natandaan ko nga yung sabi niya sa akin na may magandang balita raw siya. Yun na pala ‘yon. Akala ko naman something like nanalo na siya sa lotto at ibibigay niya sa akin ang prize.  Kumunot ang noo niya sa naging reaksyon ko. Ah? Ano ba dapat ang i-react ko? Dapat ba magtatalon ako? Dapat mapayakap ako bigla sakanya?

*1 Message received* 

 Binuksan ko agad ito.   "May talent portion daw mamaya sa program." Simpleng text galing kay Kyle.

"A-ah.. Drew, nag text na kasi si.." Hindi na nya ako pinatapos at alam na nya kung sino. 

"Si Kyle ba? Ah tamang tama hinahanap siya ni Angela, eh." Angela nanaman.. Okay im not against them  pero hay ewan! Magulo! Mahirap! Di keri ng powers ko magexplain. 

Basta there's something about her that annoys me.. even just by hearing her name, naguumapaw kaagad ang dugo ko..

"H-ha? Eh busy si kyle eh Ikaw ba hindi ka busy? Mag practice na kayo ni Angela may talent portion daw eh dali na babye na!" Tinulak ko na siya ng pabiro at saka na siya umalis. Nakita ko naman ang paglukot ng mukha niya.  Ganoon ba niya ako gustong makasama? Ano naman kayang trip nito ni Drew? 

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon