Para maiklaro lahat ng pangyayari sa istoryang ito.
Maraming salamat sa mga nagbabasa at sobrang thank you dahil na feature ang story ko!! Hehehe thank you :-)
Suzy's POV
Ngayon, malinaw na ang lahat sakin. Kyle Navarro, destiny ata ang tawag rito. Nakilala ko siya dahil natamaan ako ng coke in can na dapat ay itatapon niya sana. At dahil tumaas ang dugo ko noon sakanya, siya ang napili kong biktimahin nalang bilang magpanggap na kapatid ko dahil sa mga panahong iyon, badtrip ako dahil hindi ko pwedeng makuha o mabili ang nagiisang sapatos na iyon. Sabi kasi ng saleslady, ang tanging may kapatid na lalaki lang ang may chance na makakuha non.Ngunit sa kasamaang palad, nandoon ang terror kong teacher na si Sir Raphael, at sa kasamaang palad din, si Kyle Navarro pala ay isa sa mga heartthrob o kilala bilang flower boy ng school na tinutuluyan ko. Scholar lang ako doon.
Destiny nga naman diba? Dahil ang Kyle Navarro pala na iyan ay ang lalaking nagligtas sa akin sa rapist kong ex boyfriend. I have never been kissed and touched, isang araw nalang noong nasa France ako, isang gabi na ibibigay ko na sana ang buong ako kay Alex, nalaman ko ang katotohanan na hindi naman pala talaga niya ako mahal kaya nagbago ang isip ko na ibigay ang lahat sakanya. Iiwan ko na sana siya pero pinilit niya ako. Muntik na akong magalaw ni Alex. Thanks to Kyle na dati ay stranger lang sakin at dumating siya.
Sa Pinas, nalaman namin ang mga kasinungalingang sinabi samin. Buong akala ko, si Drew ang nagligtas sa akin. At buong akala din ni Kyle, si Angela ay ako. Akala niya si Angela ang iniligtas niya. Buong akala niya, kay Angela siya na-fall.
Pero sabi sainyo diba? Destiny. Destiny dahil nang malaman namin ang katotohanan, aminado na kami sa isa't isa na mahal namin ang isa't isa. Kaya imbis na magalit, hinayaan at nagpasalamat nalang kami.
Marami kaming mga pinagdaanan. Tulad nalang noong naghiwalay kami. Akala niya nakipaghiwalay at nagalit ako dahil sa kagustuhan niyang umamin na sa lahat na hindi kami tunay na magkapatid. Totoo namang ayoko dahil kung mangyari man iyon, ipapabalik na ako kaagad sa France at hindi ko na alam ang maari pang mangyari. Sabi niya sakin noon, hindi na niya ako mahal. Ako naman tong si tanga at naniwala ako. Dumating nalang ang araw na nagsisi ako dahil naniwala ako. Nalaman kong ginagawa pala niya ang pagaalaga kay April at pagpapanggap na mahal niya si April at pagpapanggap na hindi niya ako mahal para sa namayapa na niyang ina. Tinutupad lamang pala niya ang pangakong binitawan niya sa kanyang ina. Na, aalagaan niya paglaki niya si April Flinns.
Pero syempre sa lahay ng istorya, ang nagsisilbing kontrabida ay bumabait at nakokonsensya din. Dumating nalang ang araw na si April na mismo ang bumitaw kay Kyle. Nagising siya sa pagkakasarili niya. Pero nung mga araw na yan, wala na talaga. Dahil unti unti na akong sumuko. Bumalik na ako sa France para sa isang kasunduan.
Ikakasal na ako.
Una, syempre hindi ko kilala. Kaya nung araw na makikilala ko na kung sino siya, nagdesisyon na ako. Maggkikita sana kami ni Kyle noon pero naisipan ko nalang na wag siyang kitain at nagiwan nalang ako ng goodbye letter. Hindi dahil hindi ko na siya mahal pero dahil kailangan ito ng mga magulang ko. Nagkakaproblema sila sa kumpanya nila at ako nalang ang makatutulong sakanila.
Kaya mas pinili ko ang magpakasal nalang sa taong hindi ko pa nakikita.
Pero destiny nga diba?
Ang lalaking nakita kong nakatayo sa pwesto ng lalaking imemeet ko ay siya. Si Kyle Navarro.Sa dami naming pinagdaanan, kami din pala sa huli.
Nalaman ko na ang tito enrico pala na binabanggit ko na nagpapasaya sa nanay ko ay ang tatay pala ni Kyle.
That's what makes us step siblings pero sa mata ng batas, wala iyon dahil imbis na si tito enrico at mama ang magpakasal, kami ang naisipan nilang ikasal.
And now, thats what makes us step siblings slash fiance.
Ngayon naintindihan ko na. Dahil napaisip ako noon, bakit nandoon si Kyle sa France noon? Bakit siya ang nagligtas sakin? Ang sagot dahil simula palang pala kasi sa una, malapit na kami sa isat isa. Dahil ang condo na tinutuluyan ni Alex ay pagmamayari ni tito enrico at malamang noong araw na iyon, nandoon s Kyle sa condong iyon dahil si Kyle nga ay anak ni tito enrico. Si tito enrico na nakapagbalik sa katinuan sa nanay ko matapos sumakabilang buhay ng daddy ko.
Ngayon dalawang tanong nalang ang umiikot sa utak ko. Makakayanan kaya namin ni Kyle na makitang nagsasakripisyo ang nagmamahalan naming magulang? Makayanan kaya naming isaisip na hindi kami ang kumukuha o humahadlang sa kasiyahan ng mga magulang namin?
Paano kaming magmamahalan ng lubos kung alam naming nagmamahalan din ang magulang namin?
BINABASA MO ANG
My Flower Boy Brother (Published Book)
Novela JuvenilPublished under LIB. Grab your copy now available at all bookstores nationwide. Started: May 14, 2013 Finished: December 24, 2013 BOOK 1 of 2 - 119.75 (Available at all bookstores nationwide PPC, Pandayan, NBS) BOOK 2 of 2 - 109.75 (Available at PP...