Chapter 18 - Bestfriend, be happy

23.9K 306 17
                                    

Sa loob ng halos tatlong linggo at ilang araw, madalas ko na lang makita at makasama sina Jess at Nicki. Dahilan na rin siguro ng pagkakaroon ko ng lovelife. Ganun pala talaga, noh? Mababawas at mababawasan talaga ang oras mo sa ibang tao kapag ma-inlove ka na. Kahit na anong klaseng pag-babalance mo sa oras mo, sakanya’t sakanya ka pa rin babagsak.

 Mag iilang oras na nang akong nandito sa school. Hindi naman ako pinapansin o pinaparinggan ng mga tao sa paligid ko ngayon, hindi tulad ng ineexpect ko na hindi nila ako titigilan hanggang sa mapatalsik ako sa school na 'to.

Like what as I have said, isa lang akong scholar dito. They don't know my background, they don't know about my family. Hindi pa ako ganito katagal sa school na to like Jess, Nicki and Kyle. Having them as my friends helped me adjust as a new student. Masyadong malaki ang naitulong nila sa akin. Siguro nga kung hindi ko sila kaibigan baka kawawa na ako.

"Tsk ayan na si scholar. Palibhasa may kapit kaya hindi natin magalaw, eh" May isang nagparinig na babae na hindi ko naman kilala. Akala ko wala nang papansin pero meron pa rin talaga. Ganun na ba ako kasikat? Ayos ah. 

"Hayaan mo na yan, kapag ikaw makita pa nila Kyle at Red, bahala ka." 

"Eh sa naiinis ako eh. Di mo ba pansin? Di sila magkamukha! Mamaya may type lang yan kay Kyle kaya nagpanggap na kapatid niya eh." 

"Tumigil ka nga jan! Si Kyle kaya ang nagkalat na magkapatid sila, dont you remember? Tsaka di naman siya kagandahan kaya kung di sila magkadugo, IMPOSIBLENG magkagusto si Papa Kyle natin jan!"

At pagkatapos ng mahabang usapan nila na ako ang topic ay lumayas na sila sa harapan ko. 

"BES! Anjan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinihintay! Grabe wala ka nang time sa amin, nakakaiyak!" Parang loko naman to, nasa classroom lang ako di ako mahanap? Tsaka, napansin niya na wala na akong time ah? Akala ko hindi niya mapapansin dahil masyado siyang enjoy kasama si Pula.

"Bat magkasama nanaman kayo?" Bulong ko at binigyan siya ng nakakapanindig balahibong tingin si Red. Tinaas naman nito ang mga kamay niya na parang sumusuko na sa pulis.

"Nasaan pala si Kyle?" Tanong nalang ni Red para matapos na ang Titig-War naming dalawa.

"Ba't niyo hinahanap sakin? Tss." nasagot ko nalang. Medyo nawala rin ako sa mood kasi nakakainis si Jess ayaw ako laging sagutin kung ano yung namumuo sakanila ng Pulang to.

"Kasi ikaw ang girlfriend!" Patawang sinabi ni Jess. Napatingin naman ako sakanya at binigyan siya ng "wag-kang-madaldal-look".

"Sus alam ko naman na yan. Nakwento na sa akin ni Kyle" Sabat naman ni Red.

Napa buntong hininga nalang ako. Balak ko sanang hindi ipagsabi ito dahil iniisip ko kasi ang mga pwedeng mangyari kapag may maka-alam nito.

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon