SUZY'S POV
Alam niyo ba medyo hindi pa din akong makapaniwala na ganito ang nangyayari sa amin ni Kyle? Totoo ba to? O baka naman biro biro lang?
Minsan ayokong maniwala kasi naalala ko ang mga asaran at ang nonstop away namin noon. Totoo pala talaga na the more you hate the more you love.
Hindi ko pa nga pala nababanggit sa inyo, noh? Hindi na ako sa bahay nila nakatira. Nakahanap na ako ng pipichuging apartment na malapit lang sa nahanap ko ding part time job ko. Nag seserve ako sa isang fastfood restaurant tuwing gabi. Pagmamay ari yun ng tita ni Jess kaya nakiusapan namin na tuwing gabi lang ako p-pwede. 1500 a week naman siya kasi 4 hours straight din ako everyday. So bali parang 200 a day din. Pero pasikreto naman akong pinapadalhan ni Mama ng allowance ko. Natandaan niyo ba lolo ko? Well pina-cut lang naman niya lahat ng credit card ko at binalaan din niya sila mama na wag akong papadalhan ng pera kasi nga daw, KAYA KO NAMAN.
Pero medyo nakakapag taka lang din kasi kadalasan sinusunod nila si lolo. Ngayon parang gustong gusto akong tulungan ni mama at madalas din niya akong ine-email na magpakasaya daw ako dito at wag ko daw isipin ang tungkol sa lolo ko. Ewan ko ha? Pero medyo kinakabahan din kasi ako sa mga kinikilos nila. Si jess din, parang si Mama. Sabi ng sabi na magpakasaya daw ako sa buhay at wag isipin ang mga problema ko, susuportahan daw niya ako sa lahat ng bagay.
Weirdo. Pero anyway, magsaya daw ako eh!
Sabado ngayon at nandito ako ngayon sa bago kong apartment, nagaayos. Poorita nga eh, wala akong mga appliances! Pero okay lang yan. Kwarto lang naman kaya kailangan ko. Biniyayaan lang ako ni Lord ng kitchen, living room at isa pang bakanteng kwarto. Akalain mo kasi yun? 4500 lang every month tapos ang laki na ng apartment! Worth it na din saka ito lang din kasi ang bakante.
"Wahhhhhhhhh!! LABAS MGA KAPITBAHAY! MAY SUNOG!!!!" akarinig ako ng babaeng nagsisisigaw sa labas at SYEMPRE! Nataranta ako noh! Ikaw ba naman kakalipat mo lang tapos sunog? Agad-agad?
"Ano? Sunog?! SAAN?! BUMBERO TUMWAG NG BUMBERO DALI!!!!" Pagsisigaw at pagpapanic ko. Bitbit ko na nga yung maleta ko na wala palang laman kasi kakaayos ko lang nito sa cabinet ko.
"Hahahahaha sorry ate!! Joke lang yun! Wala kasing nagbubukas ng pinto eh! Sabi may bakante pa daw diyan sa taas? Pwedeng maki-upa? Ikaw nalang babayaran ko. Salamat ah!" Hindi pa ako nakaka oo ay nakapasok na siya ng bahay at pumanik na sa taas kung nasaan yung bakanteng kwarto.
"Ah excuse me?" Pagpaparinig ko.
"Yes?" Pasosyal na sagot nito. Batukan ko kaya siya?
"Pumayag na ba ako?" Pagtataray ko sakanya.
"Ehhhhh! Ate naman eh, dali na! Wala akong matitirhan kaya, please?" Nagpout pa. Okay ha? Effective ang pout niya.
"Okay. 1000 a month." Sabi ko at lumabas ng kwarto niya.
"Salamat ate!"
Pagkababa na pagkababa ko palang ay nakarinig ako ng malakas na tugtog galing sa kwarto niya. Naririnig ko pa ang sintunado niyang boses! Grrrrrrrrrrr. AYOKO NG MAINGAY EH. Nakita ko naman sa may likod ng pinto ay nakasabit ang ID niya. Tinignan ko ito.
BINABASA MO ANG
My Flower Boy Brother (Published Book)
Ficção AdolescentePublished under LIB. Grab your copy now available at all bookstores nationwide. Started: May 14, 2013 Finished: December 24, 2013 BOOK 1 of 2 - 119.75 (Available at all bookstores nationwide PPC, Pandayan, NBS) BOOK 2 of 2 - 109.75 (Available at PP...