Chapter 17 - Short Special Chapter!

24K 325 21
                                    

"What?!" Sigaw sa akin ni Jess sa phone. Tinawagan niya kasi ako at saktong magkasama kami ni Kyle noon sa living room na gumagawa ng assignment. Nagpapaturo kasi siya sakin, di kasi marunong sa math eh hahaha! Pero nang nagsisisigaw na si Jess ay kumaripas ako ng takbo sa CR para maikwento ang lahat. Its been 3 weeks na. 3 weeks na nang magka-aminan kami. Kahit na ganoon ay hindi pa rin panatag ang loob ko, mahirap na kasi akong magtiwala ngayon dahil sa mga nangyari, noon.

"Oy ang tagal mo naman diyan. Ano bang ginagawa mo?" Ngayon ay kasalukuyan akong nakikipagusap kay Jess habang nasa loob ako ng CR.

 ("Bakit ka ba bumubulong kanina pa? Nasaan ka ba?") Tanong naman ni Jess.

"Uy! Tsk ang bagal mo ano ba ginagawa mo diyan?" Si Kyle naman this time.

("Suzy!! Ano ba yan? May kausap pa ba ako?") 

"Tsk ang kulit niyo parehas!" Napasigaw nalang ako kasi hindi ko na alam kung sino ang sasagutin ko sa kanila. Tanong dito tanong diyan. Ay nakaka bobo!

Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto ng CR at bumungad sa akin ang terror na mukha ng isang Kyle Navarro na naka crossed arms pa at nasa likod niya ay ang kapatid niyang si Krystal. 

"Hehe sorry ate suzy, utos lang sakin ng bossy kong kuya!" Sabi niya sa akin at saka umalis na pagkabigay nya ng susi ng pinto kay Kyle. Sa pag tayo ko naman ng bowl (dun kasi ako naka upo habang kausap si Jess) aksidente kong na loud speaker ang phone ko.

("Hoy suzy ikaw ah wag kang kung ano ano ang ineexplore! Ako na bibili ng bilog na proteksyon kung gusto mo basta ha tandaan mo to! MADAMI ANG NABUBUNTIS NG MAAGA DAHIL SA PAG EEXPLORE! WAG KANG MAGPAKA DORA THE EXPLORER JAN! Intendes?") Napa tingin nalang ako kay Kyle pagkatapos ay sa phone ko. Takte,  feeling ko sobrang namumutla na ako dito. Ano nanaman ba kasing kalokohan yung pinagsasabi ni Jess?

Laking gulat ko nalang ng pumasok si Kyle sa CR at kinuha ang phone na hawak ko. 

 "Wag ka maingay diyan, wag ka muna mangistorbo. May gagawin pa kami ng kaibigan mo. K-kwento nalang nya sayo bukas yung experience niya. Bye" And then he ended the call at ibinulsa ang cellphone ko. Confiscated ang phone ko? What the heck!

"Hoy akin na nga yang cellphone ko! Baka tawagan ako ni Jess!"  Sigaw ko sa LIKOD niya. Oo, eh. Tinalikuran niya ako. Magandang gawain yun.

"Bakit?" Tumigil naman siya at muntik pa akong mauntog sa sexy back niya.

Humarap naman siya sa akin, "Wag ka ngang excited mag kwento sakanya. Wala ka pa ngang exciting na mak-kwento eh." Sabi niya at nag smirk pa siya. Napa-irap nalang ako sa kabaliwan niya. Ang green ng utak!

"Tse!" Napaiwas na ako ng tingin kundi nako baka mag kulay grapes na ako sa sobrang ano.. ewan kilig ata. Oo hindi na red, violet na!

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon