Chapter 5 - Stolen Kiss

32.7K 401 31
                                    

Alam mo ba yung nakakainis? Oo naiinis nanaman ako. Every chapter nalang ba maiinis ako?

Yung nakakainis? Eto yun eh! Yung nanakawan ka ng halik ng isang lalakeng hindi mo pinapangarap na halikan. Sana kung si Kim Myungsoo yan hahalikan ko pa siya ng bongga. Kaso hindi eh. Malas pa kasi nakita pa ni Nicki at Jess yung nangyare.

Mga utak pa naman nila masyadong mapagmalisya. Subukan nila akong asarin dun sa asungot na yun, tatamaan talaga sila.

 Di na ako papasok sa natitirang klase, wala na ako sa mood. Magpapaka-loner nalang talaga ako ngayong araw.  Oo eto si Suzy Madrigal pag wala sa mood, nag ttransform sa isang leon. 3 hours nalang naman na at dismissal na. Hihintayin ko nalang sila Jess mamaya kapag hindi na takot at kapag kalmado na ako, ayoko umuwi magisa noh.

At yun nga pinili ko nalang talaga munang mapagisa at mag muni-muni. Mejo matagal-tagal na din nang mapag-isa ako. Lagi ko kasing kasama yung dalawa kong kaibigan na wala nang ginawa kundi tumingin sa mga gwapo. Alam niyo na, mga flower boy fanatics yun eh.

Jess' POV

Di na kami papasok ni Nicki sa natitirang klase. Baka kasi makita pa kami ni Suzy at mapaglabasan nanaman kami ng galit nun. Aba nakakatakot kanina ah! Akala ko katapusan ko na.

SECOND KISS!

Second kiss palang ni Suzy yun! Sabi niya may first kiss na siya at sa tuwing sinasabi niya sakin yan, naiinis lang siya, nagagalit at natatakot. Kaya naman ngayong naka-kuha siya ng second kiss niya at sa tao pang kinabibuwisitan niya, malamang galit na galit at inis na inis na yun ngayon. Dahil kung sa first kiss nga ay ang lalaking ex boyfriend niya na niloko siya ang humalik ay naiinis siya, paano pa kaya sa lalaking kakakilala lang niya at hinalikan na siya? At idagdag pa natin na nantitrip lang din yung lalaking yun? Malamang hindi lang inis ang nararamdaman nun ni Suzy. Kaya napag pasyahan namin ni Nicki na wag na munang lumapit sakanya. Sinusundan namin siya para just in case na sa iba siya magbuntong ng galit, to the rescue kaagad kami. Pero sa kasamaang palad, kami ang nakita niya kaya ayun. Deadbols si Nicki sa coke in can na binato niya.

"Katakot Jessy! Leon kasi yun si Suzy magalit eh baka masira na ng tuluyan ang pess ko!" Natawa naman ako kay Nicki. Natandaan ko kasi nun..

 

Flashback

"Class be ready sa swimming class nyo. After this subject na yun." In-announce ng teacher at nagtinginan naman ang mga loko kay Suzy.

2 years ago kasi, may pagka tibo-tibo pa yan si Suzy. Mahilig na siya sa mga heels at sapatos pero hindi yan nagpapakita ng legs. Lagi yan naka jeans at shirt lang. Malay namin kung bakit bigla siyang nagbago. Ngayon kasi, babaeng babae na.

"Suzy... mag sswimming ka ba?" Siniko ko sya at tinanong, pansin ko na kasi ang pagka-mula ng mukha niya.

"Oo.. may magagawa pa ba ako?" Sagot naman niya na ikinagulat ng mga nakarinig.

#1 Rule kasi dapat naka swimsuit! Mag sswimsuit ang bessy ko! Wahahahaha!

Swimming Class…

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon