Nakita din ni Sir Raphael ang pagsuntok ko kay Kyle kaya naman sa mga oras na to, umuusok na ang ilong niya sa sobrang galit.
"Please explain what just happened Suzy Madrigal!" Pasigaw na tanong ni Sir Raphael. Sabi sainyo eh, umuusok na sa galit si sir. Di ako sumagot sakanya.. nakakatakot kasi siya eh! At tsaka baka pag sumagot ako, sabihin pa disrespecting ako. Alam niyo naman na diba? Ganyan naman eh kapag idedefend mo ang sarili mo, pagagalitan ka, pag di ka sasagot, pagagalitan ka. Ano ba ang gusto nilang mangyari?
"At ikaw naman Navarro? Di ka din ba sasagot?" Pananakot naman ngayon ni Sir Raphael kay Kyle. Im telling you Kyle, wag kang sasagot. Kung sasagot ka man, ayusin mo at siguraduhin mong hindi ako mab-bwisit!
"Sir kasalanan naman niya eh!" Pasigaw din na sagot ni Kyle. Halata namang hindi nagustuhan ni sir ang sagot niya. Sabi sainyo eh! AT hindi ko din nagustuhan ang sagot niya! Kapal niya, ako pa? Ako pa may kasalanan? Eh siya tong istorbo ng istorbo at inaasar ako eh.
"OY EXCUSE ME HA! DI KO YU-" Hindi na ako pinatapos pa ni Sir Raphael na magsalita at parehas kaming nasigawan ulit.
"YOU'LL BE THE CLEANERS SA CR NG BOYS AND GIRLS! GOT IT?!" sigaw ni Sir at nag walk-out. TSK! Sisigaw-sigaw tapos mag wa-walk out! Ay kajirits!
**
"Kasalanan mo talaga to nakakainis ka!" Pasigaw na bulong ko sakanya habang hinihintay yung janitor na kunin yung mga cleaning tools or whatever you call them. Yung mga panglinis. Tahimik lang kami nang nasa CR na kami ng boys since di naman ganun kadumi yung sa girls, kaya hindi na kami doon nagtagal.
Nakakainis lang kasi hindi man lang siya naglinis sa girls cr. Pero medyo naintindihan ko naman kasi nga lalake siya. Pero this time hindi ko na maintindihan na bakit ngayong nasa napaka duming cr ng boys kami eh hindi pa rin siya gumagalaw at naglilinis.
"Oy sumosobra ka na ah!" Bulyaw ko sakanya at binato ng basahan na napakadumi. Buti nalang nakaiwas kaagad siya, kawawa naman kasi ang gwapo niyang mukha. EWWW nakakapangilabot yung sinabi ko noh?
"Maglinis ka nga! Hindi ka prinsipe dito okay?" Sigaw ko ulit sakanya. Aba wag siyang pa-VIP, wala siya sa concert! Weh kainis!
"Ano? paglilinisin mo kuya mo? Walang ganyanan KAPATID." In-emphasize nanaman niya ang word na 'KAPATID' at sa sobrang inis ko, sinipa ko ang tuhod niya. Kita ko naman ang pagka-lakas dahil napa-aray talaga siya.
"Tsk, pasalamat ka hindi mukha mo ang sinipa ko." Bulong ko at paalis na sana ako sakanya para matapos na yung paglinis, mabilis naman niya akong nahawakan sa wrist ko and then he pulled me to him. Halos magkadikit na kami at ewan ko ba bakit ayaw makipag cooperate ng katawan ko sa utak ko ngayon. Basta parang bigla nalang tumigil ang lahat, yung pagikot ng mundo, yung orasan parang nawalan nalang bigla ng baterya at at.. at yung puso ko tumigil din sa pagtibok. At sobrang mabilis din ang pangyayare. Naramdaman ko nalang din kasi na magkadikit na ang mga labi namin. Agad akong kumalas sakanya at nakita ko ang pagka-ngiting loko niya. Sa mga oras ngayon, wala akong maisip at maramdaman kundi ang mainis sakanya. Gusto ko siyang tadtarin ng mura! Aba ano ako? Teddy bear na basta-basta nalang hahalikan ng walang paalam? Basta naiinis talaga ako! Naguumapaw ako sa inis sa lahat ngayon. Nakita ko pa tong sila Nicki at Jess na gulat na gulat sa may pintuan.
Nakita nila ang nangyare. Im sure of it.
"Leche ka Navarro!" Sinigawan ko muna sya at saka tumakbo paalis, nabangga ko pa nga sila Nicki at Jess na hanggang sa paglabas ko ay gulat pa din at narinig ko pa nga ang bulungan nila.
"Hala, patay."
"For sure naguumapaw na sa inis yun si Suzy."
Bestfriend ko talaga sila. Alam na alam nila ako. At alam nilang pag naiinis ako, hindi ako dapat kausapin.
HINALIKAN NIYA AKO! NAKAKAINIS! Alam niyo bakit? Kasi he's a good kisser. Putahamnida kasi, kahit na smack lang yun.... ay basta! Bakit ba kailangan ko pang ikwento? Mahirp bang intindihin na second kiss ko lang yun sa labi? May first kiss naman na ako pero, nakakadiring alalahanin. Hindi ko naman akalain na magiging kadiri-diri din ang magiging second kiss ko.
Nagpasya nalang ako na maglakad lakad. Mas mabuti nang magpa-kalma ako. Madami akong estudyanteng nadaaanan at karamihan sakanila, iniiwasan ako.
"Ate suzy, okay ka lang ba?" Hindi ko sinagot, instead naglakad lang ako. May mga nagtatakbuhan pa nga sa harapan ko at muntik pa akong mabangga.
"Shit! Hindi kasi play ground to eh!" Napa-irap ako sakanila. Ugh. Dapat talaga kapag nabbwisit ako, tinatanggal ang mata ko eh. Ang dami kong napagbubuntungan ng galit. Sinubukan kong i-miss call sila Jess pero iniiwasan nila ako. Natatakot siguro na baka sakanila ko maibuntong ang galit ko... which is true naman kaya ko sila tinatawagan para may iba akong mapagbuntungan ng galit kasi mas okay na sa bestfriends ko nalang kesa sa mga inosenteng students na nadadaanan ko.
"Uy ayun yung kapatid ng flower boy natin oh. Maganda noh? Pamilya talaga sila ng magaganda at gwapo." Napa irap nalang ulit ako. So ano yun? Kung hindi pala ako 'fake' na kapatid ng asungot na yun, panget ako? Nakaka bwisit.
"Suzy Navarro!" Nanigas ako sa narinig ko.
SUZY NAVARRO?
Seriously?
"Diba kapatid ka ni Kyle?" Napa tingin lang ako sakanya. Nahihibang na ba siya?
"Yes, pero Madrigal ako." I lied. First time in the history na sinabi kong magkapatid kami.
"Paki bigay naman po to sakanya!" May inabot siyang letter at agad na tumakbo. Hindi ko naman sinasadya na mabitawan ko at nilipad ito. Sorry nalang siya, ayaw talaga ng mundo sakin eh. Naglakad nalang ulit ako pero napatigil nang makita ko sila Nicki at Jess sa likod ng poste na parang sinusundan ako. YES! Anjan na sila!
"Jess!" Sigaw ko pero hindi nila ako pinansin at parang walang narinig.
"Jess! Nicki!" This time papalapit na ako sakanila. Nagulat nalang ako bigla nang bigla silang tumakbo. Anong ginawa ko dun? Pero bago pa sila makalayo, may nakita akong pakalat kalat na coke in can na wala nang laman. Bigla namang nagflashback sa utak ko yung first meeting ko sa lalaking yun. Nakakainis! Kung hindi dahil sa pagkakatama niya ng coke in can sa ulo ko , edi sana ang tahitahimik ng buhay ko ngayon diba? Kaya sa sobrang inis ko nanaman ay agad kong dinampot ito at binato nalang bigla sa pwesto kung nasaan sa kasalukuyan ngayon si Jess at Nicki.
"WAAAAH! Nicki!" Sigaw ni Jess nang makita niyang papalapit na ang coke in can sa mukha niya at agad niyang nahila si nicki at yumuko siya kaya ang natamaan tuloy... si Nicki.
Ako naman tong guilty at biglang tumakbo nalang.
Makapag-isa na nga lang muna..
BINABASA MO ANG
My Flower Boy Brother (Published Book)
Fiksi RemajaPublished under LIB. Grab your copy now available at all bookstores nationwide. Started: May 14, 2013 Finished: December 24, 2013 BOOK 1 of 2 - 119.75 (Available at all bookstores nationwide PPC, Pandayan, NBS) BOOK 2 of 2 - 109.75 (Available at PP...