Chapter 10 - Angela and Drew

26.4K 357 9
                                    

Nasa labas na kami ng orphanage kung saan kami kakain ng sabay sabay. Wala nga pala sila Jess at Nicki dito dahil wala naman silang kapatid. Ang kasama lang namin dito ay yung babaeng naka bangga ko nun sa CR at ang kapatid niyang mas bata sakanya. Sa pagkakatanda ko, Angela ang pangalan niya. She's really pretty, sexy and very flawless.

"Hija, sige lang kain lang ng kain." Sabi sakin ni Sister Anna na inaalok ako ng hipon.

Hipon? No no no, allergic ako sa hipon.

"Ay hindi po ako pwede niyan eh." Agad na sabi ko bago pa niya mailagay ang hipon sa plato ko. Tignan ko palang to, nangangati na ako.

"Bakit? Allergic ka ba dito, iha?" Tanong ni Sister sakin. Tumango naman ako, "Opo allergic po ako diyan eh. Sayang masarap pa naman daw."

"Parehas pala kayo ng Mom ni Kyle." Nagulat naman ako nang magsalita si Angela. Yung babaeng nakabangga ko noon sa cr at ang nagbalik sa school namin.  Napatigil naman si Kyle sa pag kain at tinitigan lang si Angela. I feel something weird.

Hindi ko alam kung ano.. kaya nga siya weird.

Pagkatapos din ng maduguang tingin ni Kyle sakanya ay tumayo na si Angela, "Thank you sister for this dinner. Next time po ulit. May kailangan lang po ako ayusin sa kwarto." At saka na siya umalis.

Laking gulat ko naman na tumayo din kaagad si Kyle at tila susundan ata si Angela? Doon mas lumakas ang pagka weird ng feeling ko.

"Uy! Di ka pa tapos kumain ah!" Sigaw ko sakanya na mabilis na naglakad palayo.

"Hayaan mo na hija, nararamdaman ko din na may kakaiba sa kanilang dalawa. Hayaan nating ayusin nila iyon, ha? Kain ka lang jan." Sabi saakin ni Sister na parang pinipigilan talaga akong sundan sila. Na-cucurious lang naman talaga ako. Si Kyle kasi yung lalakeng di masyadong malapit sa babae eh, yun yung pagkaka obserba ko sakanya. Kaya nga siguro ganun ang pag-trato niya sakin yung tipong inis na inis marinig palang ang pangalan ko. At hilig akong asarin at pagtripan.

Nang matapos na kaming kumain, tinulungan kong magligpit ang mga natirang workers nila dito sa pag linis ng lamesa. Inikot ko ang mata ko. Hindi na bumalik pa si Kyle.

"Hinahanap mo ba ang kapatid mo, hija?" Tanong saakin ni sister na naka-ngiti. Napa-opo nalang ako at ibinalik ang mga ngiting ibinigay niya saakin.

"Nakita ko siya doon sa garden, magkausap sila ni Angela. Mukhang seryosong usapan nga ang pinaguusapan nila. Paki-check mo nga sila iha, baka may mangyaring suntukan dun sa dalawa." Napa-tawa naman ako sa suntukan part ni Sister. I cant imagine Angela punching Kyle. Malamang patay si Angela kung mangyari man yun.

Pumunta ako sa garden ng masaya, patalon-talon pa. I dont know but being here in this orphanage feels like heaven to me. Hindi naman ako ampon or what pero talagang I feel secured sa place na 'to.

"Please tell me why... please."

"Hindi mo ba naiintindihan? I dont like you anymore."

My Flower Boy Brother (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon