"WAG!" sigaw ni Lorenz at Elisa at biglang tumingin si James kung saan naka tayo ang dalawa. "Hindi ninyo mababago ang mga pangyayari. HINDI NINYO MASASAGIP SI ANNALIZA!" sigaw ni James sa dalawa. Tumalon si Elisa sa ilog ng Sorento para habulin si Annaliza na tinangay ng malakas na daloy ng tubig. "ELISA!" sigaw ni Lorenz "Wala kayong magagawa bata. Its too late." sabi ni James kay Lorenz. "Manahimik ka gago!" sinapak ni Lorenz si James at nag taka si Lorenz na paano niya nasuntok si James pero patay na ito. Bumagsak si James sa ilog din at tumalon narin si Lorenz para habulin si Elisa at Annaliza. Nahawakan ni Elisa ang kamay ni Annaliza pero nawalan na siya ng hininga at parehas silang inanod ng tubig papunta sa ibang lugar. "Elisa!! ELISA!! NASAAN KA!?" sigaw ni Lorenz at humawak siya sa gilid ng ilog sa mga batohan at bigla din nawalan din ng malay.
Nagising si Elisa na ang buong paligid ay puting puti at wala siyang ibang makita. "N-Nasaan ako. . .?!" sabi ni Elisa at tumayo siya at nag lakad lakad. Biglang may humawak sa balikat niya at nagulat siya. "Elisa, patay ka na." sabi ni Annaliza na naka simangot sa kanya. "A-Ano!? Hindi. . . Hindi pwede." umiyak si Elisa. "Elisa. . . Tahan na. . . Salamat. . . Salamat at matatahimik nadin ang kaluluwa ko. . . " tumingin si Elisa kay Annaliza "Siguro ito talaga ang naka tadhana para saakin. . . At least natulungan kita. . . " ngumiti silang dalawa at naglakad na papunta sa isang puting pintuan at nawala sila na parang bula.
Kinabukasan, nakita ng mga tao ang katawan ni Lorenz sa gilid ng ilog at kinuha ito at dinala siya sa hospital dahil nahinga pa siya. Pag dating sa hospital ng St. Dominic Bacoor Cavite nagising si Lorenz at biglang napa upo at sinigaw "ELISA!!" "Hoy Lorenz! Ok ka lang ba?!" sabi ng isang babaeng tindera sa palengke na kaibigan ng nanay ni Lorenz. "N-Nasaan ako?!" sabi ni Lorenz. "Nasa hospital ka." sabi ng babae. "LORENZ LORENZ!" may pumasok sa kwarto ni Lorenz si Mang Tony at si Aling Linda na sobrang nag aalala. "Nasaan ang anak namin?!" sabi ni Aling Linda kay Lorenz at napa yuko lamang ang binatilio. . .