Chapter 13: The End Part 1

167 0 0
                                    

"Ano ba Lorenz?! Sagutin mo tanong namin!" sigaw ni Mang Tony kay Lorenz. "Nawala po si Elisa! Inagos siya ng ilog! Hindi ko siya inabutan!" sigaw ni Lorenz kay Mang Tony na napaluhod na lamang sa sahig ng hospital. "KUYA LORENZ! NAKITA NA ANG KATAWAN NI ELISA! NASA GILID SIYA NG ILOG NG SORENTO!" sigaw ng isang batang tropa ni Lorenz. "Sasama ako! Puntahan na natin ngayon na!" tumayo si Lorenz at tinanggal niya ang mga bagay na naka kabit sa kamay, braso at paa niya at tumakbo palabas ng kwarto ng hospital. "Sir.! Sir! Hind ka po pwede pa umalis ng hospital!" sigaw ng isang nurse. "WALA AKONG PAKIALAM!" tumakbo si Lorenz palabas ng hospital at simakay siya sa motor siklo ng kanyang pinsan. "Pare bilisan mo papunta tayo kung nasaan ang katawan ni Elisa. . . " sabi ni Lorenz sa pinsan niya at naglagay na siya ng helmet sa ulo. "Sige ako bahala itatakbo kita papalayo dito at papunta duon kay Elisa." sabi ng pinsan ni Lorenz at binilisan na ang takbo ng motor siklo nito. Pag dating nila sa ilog ng Sorento nakita ni Lorenz ang rami ng tao na nag kukumpulan sa isang lugar kung saan nakahiga ang walang buhay na katawan ni Elisa. Tumakbo siya papalapit dito at lumuhod sa tabi ni Elisa. "Elisa. . . Patawarin mo ako. . ." umiiyak na sinabi ni Lorenz kay Elisa. "Pare. . . Sino yang katabi ni Elisa. . . ?" sabi ng pinsan ni Lorenz "S-Si. . . Annaliza ito ah. . . " napatingin ng matagal si Lorenz kay Elisa at Annaliza na parehas na nakangiti kahit wala nang buhay. "Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon. . . Elisa. . . " sabi ni Lorenz at niyakap niya ang walang buhay na katawan ni Elisa. . . 

Nilibing na si Elisa at Annaliza pagkalipas ng 3 araw. Maraming dumalaw na kaibigan niya sa araw ng libing isa na duon si Lorenz na sobrang lungkot dahil nawala ang mahal niya at ang pinaka matalik niyang kaibigan.

The River (Base on True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon