Chapter 3: Ang Babae na si Madeline

353 2 0
                                    

Nakalapit na si Elisa at Lorenz sa gilid ng ilog ng makita nila ang isang babae na patay na sa gilid ng ilog. "Kawawang bata naman noh?.. Siya si Madeline Dela Cruz diba?" sabi ng isang Ginang sa kasama niya "Oo siya nga anak mayaman niyan ano naman ginagawa niya dito sa Sorento? Siya na ang pang apat na babae na namatay dito sa ilog. Nakakatakot naman..." sabi ng kaibigan ng Ginang sa kanya. "T-Teka Lorenz pamilyar yung muka ng babae na yan... S-Siya ang nakita ko kagabi...!!" sabi ni Elisa na namumutla na sa takot. "Ha?! Hindi nga?!" sabi ni Lorenz na gulat na gulat sa sinabi ni Elisa. Parang may hangging humawak sa balikat ni Elisa at may bumulong sa kanya... "Ikaw na ang susunod............!!!!!!!!!!!!!!" "AAAAHHHHH!!!!!!" sumigaw si Elisa at hinimatay ito at maraming tao ang tumingin sa kanya. Kinarga ni Lorenz si Elisa "ELISA! GISING! ELISA!" tumakbo si Lorenz sa bahay ni Elisa at binuksan ni Mang Tony at nagulat ito. "Lorenz! ANO NANGYARI SA ANAK KO!?" sigaw ni Mang Tony kay Lorenz "E-Ewan ko po eh hinimatay siya pagkatapos niya sumigaw kanina...." sagot ni Lorenz at nilapag ni Lorenz si Elisa sa higaan nito. Bumalik si Lorenz sa baba ng bahay at umupo sa harap ng magulang ni Elisa. "Ano ba kasi ang nangyari Lorenz?!" tanong ni Aling Linda na sobrang nag aalala na. "Sumigaw kasi siya eh... At sobra siyang namumutla kanina bago siya himatayin. Pero bago mangyari yun may nabanggit siya saakin..." sagot ni Lorenz. "Ano ba ang sinabi niya sayo?" tanong ni Mang Tony. "Sabi niya yung babae na natagpuang patay ngayon diyan sa ilog ay nakita niya kagabi din na buhay pa." sagot ni Lorenz. "Totoo pala ang sinabi ni Elisa kagabi... May nakita nga siyang babae na tumalon sa ilog..." sabi ni Mang Tony "Antonio.... Naku wag naman sana!! Hindi kaya totoo ang mga kwento tungkol sa ilog...?" sabi ni Aling Linda. 

The River (Base on True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon