Isang araw malakas ang ulan na bumuhos sa buong Cavite. May isang pamilya na naka tira sa Sorento sa Bacoor City Cavite na malapit sa ilog. Ayon sa mga taong nakatira duon wag na wag maliligo sa ilog ng Sorento dahil may kababalaghang nangyayari duon...
Chapter 1: Kasagsagan ng malakas na ulan at hangin
"Hoy Elisa! Mag taas na tayo ng gamit dali!" sigaw ng tatay ni Elisa na si Mang Tony. "Opo ama. Uunahin ko na po mga gamit ng bunso kong kapatid." sagot ni Elisa at kinuha niya ang mga gamit ng kanyang kapatid na sanggol pa papunta sa taas ng bahay nila. "Antonio tara na umakyat na tayo sa taas at ayan na ang tubig galing sa ilog!" sabi ni Aling Linda nanay ni Elisa sa kanyang asawa. "Sige na mauna na kayo isasarado ko lang ang pinto." sagot ni Mang Tinoy. Nagpunta sa pinto si Mang Tony at ng isasara na niya ang puntuan may nakita siyang isang babae.... nakatayo sa tapat ng ilog at ito ay nakatalikod nakasuot ng puting damit. Hindi pinansin ni Mang Tony yung babae at sinarado na niya ang pinto. Umakyat na siya sa taas ng bahay nila at humiga sa tabi ng kanyang asawa na si Aling Linda. "Babahain nanaman tayo, hay naku ewan!" "Hayaan mo na ganyan talaga malapit lang bahay natin sa ilog eh." sabi ni Aling Linda. Sa kabilang kwarto naka upo si Elisa sa gilid ng bintana nakita niya ang isang babae na nakatayo sa gilid ng ilog at tumalon ito. "WAG!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Elisa at tumakbo siya palabas ng kanyang kwarto at hinarang siya ng kanyang ama. "Elisa ano ba! Sigaw ka ng sigaw diyan!" "Ama! May babae...!! May babae na nakaputi tumalon siya sa ilog!!!!!" sabi ni Elisa na namumutla na. "Ano ka ba! Walang gagawa ng ganon! At hindi ka na makakalabas ng bahay lagpas tao na sa baba!" sabi ni Mang Tony kay Elisa at hinatak niya ito papunta sa kwarto nilang mag asawa. "Oh? Ano nangyari Antonio?" tanong ni Aling Linda sa kanyang asawa at nakita niya ang anak niya na namumutla. "Nananaginip ng gising itong anak mo patulugin mo nalang siya sa tabi mo ngayong gabi." sagot ni Mang Tony at bumalik siya sa pag tulog. Humiga si Elisa sa tabi ng kanyang ina at niyakap niya ito. "Elisa wag mo na isipin yon. Puyat ka lang kakabantay sa baha matulog ka na ha?" "O-Opo ina...." Natulog na silang mag anak.