Chapter 5: Ang Pagpunta ni Elisa sa nagtatawas

317 0 0
                                    

Dilana na ni Aling Linda si Elisa sa malapit na nag tatawas sa kanilang lugar. Habang naglalakad silang tatlo biglang napakapit si Elisa kay Lorenz. "Oh bakit?" tanong ni Lorenz at tumingin siya kay Elisa. "A-Ano kasi... natatakot ako..."  sagot ni Elisa at lalong humigpit ang hawag niya sa braso ni Lorenz. "Ay naku wag ka nga ganyan. Nandito naman kami eh. Wag ka mag alala." sabi ni Lorenz at ngumiti ito kay Elisa. "Ewan ko sayo lalaki ka kasi kaya wala kang kinakatakutan!" sabi ni Elisa. "Ano ba naman kayong dalawa parang aso at pusa kayo. Sige kayo pag hindi ninyo tinigil iyan eh baka kayo pa magka tuluyan." pabirong sabi ni Aling Linda sa dalawa. "Hindi po ah!" sabay na sagot ng dalawa at tumawa lang si Aling Linda at binitawan na ni Elisa si Lorenz at umiwas sa tingin nito. Nakarating na sila sa nag tatawas at kumatok si Elisa sa pintuan. "Tao po? May tao ba dito?" sabi ni Elisa at biglang bumukas ang pintuan. "PUMASOK KAYO AGAD! DALIAN NINYO!!" sigaw ng isang matandang babae at nagulat silang tatlo ang tumakbo papasok. Sinarado ng matandang babae ang pintuan at may mga dinikit siya na mga papel sa pintuan na may nakasulat na dasal. "B-Bakit naman po kayo nanggugulat po ng ganun?" tanong ni Elisa sa matandang babae "Hindi mo ba alam? Sinusundan ka.... SINUSUNDAD KA NIYA!" "Teka sino ang nasunod kay Elisa?!" tanong ni Aling Linda sa matandang babae "Isang babae na namatay diyan sa ilog ng Sorento... madalas ko siya mapansin... si Annalyn!!" "Pero bakit?! Bakit niya ako sinusundan!!" sigaw ni Elisa sa matandang babae. "Hinay hinay lang Elisa ano ka ba!" sabi ni Lorenz sa kanya at napaupo si Elisa sa upuan. "Isang bagay lang naman kaya ka niya sinusundan.... Ikaw na ang susunod na mamamatay!" sagot ng matanda kay Elisa. "Hindi! hindi maaari iyan!" sabi ni Aling Linda sa matandang babae. "Gagawa tayo ng pangotra... para maagapan ang mga bagay na nakatakda na mangyari kay Elisa." sabi ng matandang babae at umupo ito sa tapat ng lamesa na may mga kakaibang bagay na nakalagay. "Ano sisimulan na ba natin?" tanong ng matandang babae sa kanilang tatlo. Nagtinginan si Aling Linda at Lorenz at biglang sumagot si Elisa. "Sige po... simulan na natin kung ano man yan..."

The River (Base on True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon