Nag lalakad sila Lorenz at Elisa sa street papunta sa bahay ng mga Alcantara. Ng matanaw nila ang abandonadong mansyon tumigil silang dalawa sa pag lalakad. "Lorenz ano ba kasi gagawin natin dito ha?" tanong ni Elisa kay Lorenz na naka tingin sa abandonadong mansyon ng mga Alcantara. "Kasi kahapon nag imbestiga ako sa ating lugar at nalaman ko simula ng namatay ang unika iha ng mayamang magasawa na Alcantara nag simula na itong pagka matay ng mga babae sa ating lugar." sabi ni Lorenz at bigla niyang hinawakan si Elisa sa kamay niya na mahigpit. "Ano na gagawin natin sa mansyon? Bakit tayo nandito?" sabi ni Elisa kay Lorenz "Baka may makuha tayong bagay na makakatulong saatin sa pag aayos ng misteryo ng pagka matay ng mga babae sa lugar natin kaya tara na." sabi ni Lorenz at hinatak na ni Lorenz si Elisa papunta sa abandonadong mansyon. Habang nag lalakad sila biglang may malakas na hangin ang bumungad sa kanila ng malapit na sila sa gate ng mansyon. Niyakap ni Lorenz ng mahigpit si Elisa at silang dalawa ay natumba sa daan. "Aray!" sigaw ni Elisa "Ano ba yun?!" gulat na sinabi ni Lorenz at tinulungan niyang tumayo si Elisa. "Hindi kaya may multo dito!?" sabi ni Elisa at medyo nanginginig. "Wala tayong magagawa tara na!" inakyat nila ang bakod ng mansyon at naka pasok na sila sa loob ng mansyon. Binuksan nila ang pintuan ng bahay at pumasok sila sa loob. "Sino kayo?! Ano ang ginagawa ninyo sa bahay ko!?" sabi ng isang babae na naka puti at mukang 45 years old na naka tayo sa may hagdanan ng mansyon. "AAAHHH!!" sumigaw si Elisa at Lorenz at tumakbo sila papunta sa 2nd floor ng mansyon at pumasok sila sa isang kwarto and kinandado nila ang pinto. "A-Ano yun?!" sabi ni Elisa "Aba! Malay ko!" sabi ni Lorenz at napaupo siya sa lapag ng kwarto. "T-Teka... sino kaya ito..?" sabi ni Elisa at may hinawakan siya na ang isang picture frame sa may lamesa ng malaking kwarto. "Syempre yan yung mga Alcantara." sabi ni Lorenz at pinupunasan niya nag muka niya ng twalya. "Ang ganda pala ni Annaliza noh..." sabi ni Elisa kay Lorenz at biglang bumukas ang nakakandadong pintuan at humagis si Lorenz sa pader ng kwarto "Ah!" sigaw ni Lorenz at iniinda niya ang kanyang likod na tumama sa pader. "LORENZ!" sigaw ni Elisa at binitawan ang picture frame at nabasag ang salamin nito at tinulungan ni Elisa na makatayo si Lorenz. "MGA WALANG HIYA KAYO! ANG LAKAS NG LOOB NINYONG PASUKIN ANG KWARTO NG ANAK KO!" sigaw ng babae at umangat ang lamesa at humampas ito kay Elisa at Lorenz.