Chapter 6: Ang pag gawa ng pangontra

263 0 0
                                    

Gumawa ng pangontra ang matandang babae. "Ito ay hindi matagalan Elisa... Tandaan mo... mag iingat ka lagi. Nandito lang siya.. Naka kalat kung saan saan!!!!!" sabi ng matandang babae at initagay ang kuwintas na pangontra sa leeg ni Elisa. "Pero hindi ba siya titigil sa pag sunod saakin?" tanong ni Elisa sa matandang babae. "Maaaring hindi hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya!" "Ano ba ang gusto niya?! Ibibigay ko agad!" "Hindi ko din alam... Ikaw ang dapat maka alam niyan Elisa... Ikaw lang!" Biglang nanahimik ang silid at namatay ang mga kandilang naka paligid sa kanila. "Ano ang nangyayari?!" sigaw ni Aling Linda at niyakap niya ang kanyang anak. Biglang may babaeng sumulpot sa gilid ng pintuan mahaba ang buhok at maputla ang balat at sinabi "MAMAMATAY KA DIN! ISASAMA KITA SA IMPYERNO!!!!!" "Sino ka ba ha!" sabi ni Elisa at tumayo ito bigla. "Wag Elisa! Lumayo ka sa kanya!" sigaw ni Lorenz at hinatak niya si Elisa papalayo sa babaeng multo. "Lumayo ka masamang espirito!" sigaw ng matandang babae at nag sindi siya ng insenso at umamoy ito sa buong silid. "BABALIKAN KITA ELISA!!!!!" sigaw ng babaeng multo at nalawa na ito bigla. "Umalis na kayo! At mag iingat lagi!" sabi ng matandang babae kila Elisa at sa kanyang mga kasama. "O-Opo" sagot ni Elisa at namumutla ito at hinimatay. "ELISA!" sigaw ni Aling Linda at Lorenz "Grabe na ito ha! Nakaka asar na itong buwisit na babaeng multo na ito!" sigaw ni Lorenz at kinarga niya si Elisa "Tara na Lorenz." sabi ni Aling Linda at lumabas na silang dalawa sa silid ng matandang babae. "Ano ba kasi gusto niyang gawin natin ha?!" sigaw ni Lorenz habang karga niya si Elisa at lahat ng tao ay naka tingin na sa kanila ni Aling Linda. "Ewan ko ba. Halos lahat ng babae dito nadidisgrasya... Bilisan mo lakad naka tingin satin ang mga taong buwisit." "Opo Aling Linda." sagot ni Lorenz at nakarating sila agad sa bahay nila Elisa at binaba ni Lorenz si Elisa sa higaan nito.

The River (Base on True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon