Kinabukasan tumigil narin ang pagbuhos ng ulan at kalma na ang hangin. Unang nagising si Elisa at bumangon kaagad. Bumaba siya sa baba ng kanilang bahay at mabilis na humupa ang tubig. Mangsimula na siyang maglinis ng kanilang bahay at sa labas din. Habang nag wawalis siya sa tapat ng kanilang bahay may isang matanda ang huminto sa kanyang harapan at sinabi... "Ineng... Magiingat ka... Isusunod ka na niya..." "H-Ha? Sino pong siya..." "Magiingat ka... MAG IINGAT KA!!!!" sigaw ng matandang babae sa kanya "Hoy! Baliw tigilan mo nga ang kaibigan ko!" sigaw ng isang lalaki at tinulak ang matandang babae papalayo kay Elisa. "Lorenz ano kaya ibig niyang sabihin na magiingat ako? saan? at kanino?... Katakot naman..." "Ano ka ba naniniwala ka sa baliw?" patawang sabi ni Lorenz kaibigan ni Elisa sa kanilang eskwelahan. "Grabe ang ulan kagabi no? Ang bilis tumaas ng tubig pero buti nalang nawala agad." sabi ni Elisa kay Lorenz habang siya ay nag wawalis. "Tama ka dyan." sagot ni Lorenz. May mga taong nag tatakbuhan papunta sa ilog ilan dito ay mga pulis ng Bacoor. "Ano ang nangyayari Lorenz?!" sabi ni Elisa. "Teka tignan natin." hinatak ni Lorenz si Elisa papunta sa gilid ng ilog kung saan maraming tao ang nakiki isyoso.