Tinamaan ng lamesa si Elisa at Lorenz at nawalan sila ng malay. Pagkalipas ng ilang oras nagising silang dalawa at mag aalasdose na ng gabi pero nasa bahay parin sila ng mga Alcantara. Pero nag tataka ang dalawa dahil hindi na mukang luma ang kwarto kung saan sila naka higa. Parang naging bago ang lahat at yung mga basag na vase at picture frame ay ayos na at naka lagay sa lamesa ng maayos. Napaupo silang dalawa ng sabay at napatingin sila sa isa't isa. "Lorenz. . . Ano nangyari?! Nasaan tayo?!" tanong ni Elisa kay Lorenz na natatakot ang boses "Ewan ko lang pero alam ko nasa bahay parin tayo ng mga Alcantara. . . " bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Annaliza Alcantara sa kwarto niya na punit punit na ang kanyang damit at tinulak siya ng isang lalaki na mga nasa 20 years old ang tanda sa higaan. "Wag! Tamana! A-Ayaw ko na. . . !" sigaw ni Annaliza "Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko sayo!" sigaw ng lalaki at tinanggalan ng damit ng lalaki si Annaliza. "E-Elisa wag ka titingin!" sabi ni Lorenz at tinakpan niya ang mga mata ni Elisa at niyakap ito. "Lorenz! Ikaw din wag ka titingin sa gagawin nila!" "Oo, hindi ako naka tingin pero buti hindi nila tayo nakikita dito sa gilid ng kwarto. . ." "Eh mga patay na nga sila diba?. . . Teka. . . Oo nga noh. . . Patay na sila pero bakti ganun?!" tinanggal ni Elisa ang kamay ni Lorenz sa kanyang mga mata at tiningan niya ang mga nangyayari. Ang kawawang Annaliza iniwang walang damit at naka handusay sa may higaan. "Salamat sa pag payag na aliwin ako ngayong gabi Annaliza. Bukas ulit. Good night." sabi ng lalaki naka tawa at umalis ng kwarto. "Mag. . . Mag babayad ka din. . . Sa ginagawa mo saakin. . . " sabi ni Annaliza at hindi parin siya maka galaw dahil nagulat siya sa nangyari sa kanya. "Kawawa naman pala si Annaliza. . ." sabi ni Lorenz at tinulungan niya maka tayo si Elisa. "Maganda siya noh. . ? Sayang. . . Namatay siya. . . Siguro yung nakikita natin ngayon dito sa loob ng bahay na ito ay ang nangyari nuon kay Annaliza. . ." Pumasok ng kwarto ang nanay ni Annaliza. "Oh my gosh. . . Annaliza! What happened to you?!" niyakap ng ina ni Annaliza siya at umiiyak ito. "Mama. . . Someone raped me. . ." sabi ni Annaliza at hindi niya masabi ang pangalan ng lalaking gumawa nito sa kanya. "Ano ba Annaliza! Sabihin mo na kung gusto mo mahuli itong lalaki na ito!" sigaw ng nanay ni Annaliza sa kanyang anak. "Pero, Mama. . . " biglang may pumasok na lalaki sa kwarto at nakasuot ito ng pang katulong na damit pang lalaki.