Malayo Man

60 14 9
                                    

Sa himig ng Kapaskuhan dama ko ang kalungkutan,
Sapagkat ikaw ay wala sa aking kanlungan.
Hindi mo ito ninais mangyari sa'tin ngunit kailangan,
Upang magkaroon lamang ng magandang kinabukasan.

Ako ay nagagalak sa ibinibigay mong regalo,
Ngunit mas ikinalulugod ko kung ikaw rin ay nandirito.
Suntok man sa buwan ang hilingin na ika'y maparito,
Sana ay pagbigyan ng Maykapal ang kahilingan ko.

Sa pagsisikap mo ako'y sobrang saludo sayo.
Kaya kahit lalim ng dagat ay 'di masusukat ang pag-ibig ko.
Magagandang regalo ay 'di maihahambing sa tulad mo,
Sapagkat makinang pa sa ginto ang busilak mong puso.

Dalangin ko sa Diyos na ikaw ay pag-ingatan,
Saan ka man mahal dadalhin ng karagatan.
Dahil sa iyong kasipagan sa pakikipag sapalaran,
Sana'y pagpalain ng Diyos ang ating kapalaran.

Malayo ka man sa akin ngayong kapaskuhan,
Mahal na mahal kita yan ang lagi mong tatandaan.
Ilang oras man at panahon ang daraan.
Itong pag-ibig ko sayo'y hindi lilipas kailanman.

-•=*=•-
12/26/2015

TulaTonikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon