Terapewtika

40 14 6
                                    

Kaluluwa,
Inihanda,
Puso at
Isip.

Pinagkaisa ang
Kuwaderno,
Ball pen o
Lapis.

Dalamhati at bigat,
Binuhos lahat,
Sa puso man
At isipan.

Iniisip ang Maylikha,
Lahat may dahilan.
Luha'y pinaraos,
Ito'y inubos.

Ginawang gamot sa hinagpis,
Materyales ay ginamit.
Gumuhit ng labis,
Sakit nawaglit.

Gumaan na nang matapos,
Ngumiti na ng 'di kapos.
Gumuhit ng panibago,
Binahagi rito.

-•=*=•-
01/30/2016
6:34 PM

Dedicated to Myra1493 Hi Sis! ^_^)/ sensya sis, Cellphone lang ang gamit ko kaya ganito. Haha

-•=Christine•=-

TulaTonikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon