Kahilingan

33 10 0
                                    

Umaagos ang masaganang luha,
Hindi mapigilan ang pagdurusa.
Pagod na sa tinatamasa,
Tama na sana.


Sakit ay hindi na kaya,
Utang na loob tigilan na.
Ako'y gusto nang hindi mabuhay,
Walang napapahalaga at nagbibigay pugay.


Pamilyang aking hinihintay,
Hindi na ata darataing upang umalalay.
Emosyonal na pangangailangan ang nais,
Espirituwal na suporta rin ang hiniling nang labis.


Pagmamahal mula kanila'y di nakamtan,
Pangalan lamang ang kanilang pinangalagaan.
Kalayaan para sa adhikain ay 'di naintindihan,
Di alam bakit walang pagkakaintindihan.


Pera ay kailangan,
Ngunit 'di sa lahat ng oras 'yan lang dapat ang ilagay sa isipan.
Daing pa ang nasa kulungan,
Sapagkat 'di pinapalabas sa kanlungan.


Ilang edad pa ba ang lalampasan dapat?
Bakit lahat nang ginagawa sa inyo'y 'di sapat?
Halos buong buhay kayo ang sinunod;
Ano pa bang dapat gawin upang kayo ay malugod?


Mahal ko kayo nang labis,
Lahat nang sinasabing masasakit ay tiniis.
Mga salitang bumaon saking kaluluwa'y bumigkis,
Lahat nagbigay sugat sa pagkatao at 'di na maalis.


Laging kong pinagdarasal na ito'y maglaho,
Lagay nating paulit-ulit sana'y magbago.
Ngunit tila bangungot na ayaw akong layuan,
Nagbabalik lagi sa aking isipan.


Pinipilit lapitan ngunit pinapalayo ng tuluyan.
Pinipilipit ang pusong duguan.
Nagsasakitan kahit walang digmaan,
Nagkalayo tuloy ang mga kalooban.


Sinasabing ako'y pusong maawain,
Walang lakas dahil iyakin.
Madaling matalo dahil kalooba'y mahina,
Sa ganitong abilidad daw wala akong mapapala.


Akin lang masasabi,
Utak ay 'di mababalanse.
Kung puso ay babalewalain,
Hunghang pa rin kung tatawagin.


Bago pa ang lahat ay matuloy na naman sa 'di pagkakaunawaan,
Gusto kong ulitin na kayo ay pinapahalagahan.
Bago ako lumisan sa mundo,
Sana ay magkaintindihan tayo.


Dalangin ko lagi ito sa langit,
Hindi ako magsasawang gawin ito paulit-ulit.
Lapis lamang ang aking sandata,
Sapagkat ang mga salitang ito'y 'di kaya sa inyong harapan ilathala.


Ang kataas-taasa'y nababasa ang utak natin,
Ngunit nalalaman ang tunay na layunin sa pamamagitan ng damdamin.
Kaya sana'y gamitin,
Kahit sa araw lamang ng mga puso.

-•=*=•-
02/14/2016

TulaTonikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon