Gusot

36 10 0
                                    

Nag-iba ang iyong mga kinikilos nitong mga araw na nagdaan.

Tao sa paligid ay nagbubulungan,

Kakaiba ang tingin at parinig tuwing ako'y dadaan,

At hindi mapagtanto ang kadahilanan.

Mga salitang mapanghusga ay pinapatama.

Galaw mong nakapagtataka sa aking harapan,

Bulahaw na minsan 'di ko binigyan nang masamang kahulugan.

Yaon pala'y sa akin mo pinangangalandakan.

Sa simula ay 'di alam ang ibig sabihin,

Kaya 'di binibigyang pansin.

Kung iyong akala'y ganoon ako ka estupidang tawagin,

Subalit nananahimik lamang at naghihintay na ika'y habagin.

Ngayon lahat ay 'di na kinaya nang ito'y malaman,

Sumasakit sa iyak na impit ang aking lalamunan.

Tuwina ako sana'y iyong kinausap nang masinsinan,

Tayo sana ngayon ay nagkakaintindihan.

Lahat ng bagay napag-uusapan.

Hindi ka man lang nagdahan-dahan,

Tinuring mo pang kalaban,

Magkalapit lang naman ang ating bakuran.

Ang iyong ginawa ay hindi tama,

Gayon din naman ako sa pagsusulat nitong akda.

Ganitong paraan kita pinatulan,

Ayan dalawa na tayo ang parang walang pinag-aralan.

Kaya walang matatawag na panalo,

Pareho lamang naman tayong palalo.

Pati ang hangin na hinihinga mo,

Katulad nang nilalanghap ko.

Kaya mabasa man ito ng kabataan ay pareho tayong 'di dapat tularan.

-=*=-
02/24/2016

TulaTonikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon