Ngayong Bagong Taon ang nais ko'y para sa pangkalahatan,
Para sa'yo, sa'kin at sa bayan.
Panginoon ang nag-udyok sa'kin nitong adhikain,
Nang pagkakaisa at kapayapan ay matamo natin.Mundo ay sukdulan na nang mga palalo,
Kaya kailanga'y mabubuting pinuno upang ito'y masugpo!
Mabibigyang katuparan 'pag ang namumuno'y nakatingin sa Kaitaas-taasan.
Kung sila ay ganyan, kay sarap tularan.Marapat tayong mamili ng pinunong may paninindigan,
Yaong hindi nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Sapagkat ito ang tanging hinihingi ng sambayanan,
'Yon ang kailangan nang umunlad ang lipunan.Subalit 'di marapat sa ibigay lahat ng sisi sa pamahalaan,
Kung ating bansang walang kaunlaran!
Kailangan ang sipag at tiyaga upang ang nais ay maganap,
Sapagkat Siya'y may-awa sa taong laging nagsisikap!Datapwat lahat ng ating nakukuha ay nagmumula sa ating gawa,
Kaya 'wag ibintang sa iba ang pagiging dukha.
Kay sayang bumagon at magtulungan,
Dahil walang maitutulong ang paghilata sa sariling tulugan.Lahat ng prinsepyo'y 'wag ipagpalit sa maliit na presyo,
Laging gawin ang bagay na sakto.
Maraming pagkukulang ang makikita sa mundo,
Mawawakasan lamang ng pananampalatayang 'sing tibay ng bato.Paghihimagsik sa nais ng Diyos ay huwag pairalin,
Bagkus tamang daan ang dapat tahakin.
Mamuhay ta'yo na sa Kanya lang may takot,
Magbigay ng pag-ibig na 'di kakarampot.Ang Panginoon sana ang ating paghariin,
Umpisahang isip nati'y maging bukas sa kanyang alituntunin.
Ang karunungan ng Kanyang salita'y maisapuso natin,
Upang lahat ay gawing mabuti't kaaya-aya sa kanyang paningin.Paghihimagsik sa nais ng Diyos ay huwag pairalin,
Bagkus tamang daan ang dapat tahakin.
Pagbabagong para sa isat-isa ay mapapa sa'tin,
Basta manalig sa Maylikha nang tayo'y Kanyang pagpalain.-•=*=•-
01/21/2016