Bahaghari

43 14 0
                                    

Makulay, maganda, kahit malayo'y nagbibigay pag-asa.
Tulad ng gabi na madilim ang kalangitan, ngunit may araw kinabukasan.
May-ulan, ngunit may balangaw 'pag tapos na.
Tulad nang pighati, pagnalampasan, may sigla't saya.

Ang Maykapal ay siyang tunay na matalino talaga!
Tayo'y binigyang sulosyon sa bawat problema.
Sapagkat ang bawat kulay nito'y may kahulugan.
Tulad ng langit at lupa, ang paglikha'y may kadahilanan.

Pero ako'y nagtataka, ito kaya'y nasa langit rin ba?
Dahil masarap itong pagmasdan kahit sa malayo pa.
Magiliw, at nais ko'y malayang pagmasdan ito ng malapitan.
Dahil para kang nasa paraiso kung ikaw nakatingala lang rito.

Basahing mabuti itong malayang taludturan.
Tulad ng paano ang bahaghari'ng pagmamasdan.
Kung ang may-akda ba'y may nais ipahiwatig.
Tanong lang, ang buhay mo rin ba'y 'sing kulay ng bahaghari?

~°°~
01-02-2016

TulaTonikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon