Dayuhan

4 2 0
                                    

Hirap sa dialugo,
Ilong ay dumudugo.
Hanggang matamo,
Itong nais ng ulo.

Hindi bobo,
Sadyang magulo.
Hanap ng ganito,
Sa iba pinagtagpo.

Talino nila'y ipinamamalas,
Tulad ng punyal ang talas.
Dila rin ay walang habas,
Dahilan kaya mapagmataas.

Marahas,
Madahas.
Mabarabas,
Mabigyan nawa ng basbas.

Nakaka hinayang,
Sadyang sayang.
Sikaping galangin,
Nananakit, pigilin.

Huwag mang apak,
Iba'y huwag ipahamak.
Handang pag-unawa'y lumawak,
Intindihin, 'wag mangwasak.

Dahan-dahan,
Magbigay ng dahilan.
Magpahayag ng salitang angkop,
Datapwa't hindi nakakatiklop.

Hindi nakakapilas,
Nakakatulong na likas.
Handang maibigkas,
Nang nakatayo at matikas.

Isang ginagalawan,
Iisang lengguwahe ang pinagagamitan.
Bagaman isipa'y magkaiba,
Bukasan ang puso tuwina.

Magtulungan,
Makipagkaibigan.
Magka-ibigan man,
Magkakatuluyan kung hahayaan.

Hindi magkakilala,
Huwag manghusga.
Gamitin ang puso nawa,
Gayon din ang isip, balanse sana.

Banyaga sa sariling wika,
Nahirapan sa salitang pinagagamitan.
Nanagalog, nangangapa.
Bagamat ganoon rin sa englis, aba malala!

Nangagailangan ng tulong,
Hinahangad kahit pa bulong.
Hiling 'wag sanang ipahiya,
Nawa ikaw ay may-awa.

Ito'y walang patutunguhan;
Ako'y nagpa- practice laang naman.
Akin nang titigilan,
Iyong lingkod kasi ay nahihirapan.

Pawang katuwaan,
Kaunting stress nabawasan,
Kahit halos dito'y makatotohanan,
Patawarin kung may natatamaan.

Sinisubukan magpahiwatig gamit ay tulaan,
Sikaping maintindihan itong nilalaman.
Sige dito na laang,
S'ya, ako muna'y mamamaalam.

-•=*=•-
01/27/2016
Edited/06/09/11:31
1:00

TulaTonikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon