Nakakabahala kung bakit nag-iiba,
Ang tunay na nararamdaman ay naglaho na.
Dalawang tao'y hindi na masaya,
Ikot ng kanilang mundo'y nawalan pareho ng gana.Sa ibang direksyon ang isa'y nakatingin ,
Sapagkat sa puso niya'y iba ang umaangkin.
Umasang sila hanggang huli subalit,
Umurong nang malapit na tumagal.Isa lang ng katanungan nadehado,
Ito'y labis niyang pinag-iisipan.
"Meron ba akong pagkukulang? o
Mas maiging sabihin na ikaw ay 'di nakukuntento lamang?"Subali't pinagtataka bakit ayaw siyang bitawan,
Sapagkat sumusubra na ang pagpaparamdam nang walang kahalagahan.
Ngayon isa lang ng kanyang nais,
Na maging malaya mula sa pagtitiis.Kasagutan sa kanyang tanong ay siya pala'y umibig sa makasarili,
Gusto nito'y sundin lang ang nais ano man ang mangyari.
Taong selfish ay mahirap mahalin,
Tagos hanggang boto pati ang katinuan mo'y kanyang sisipsipin.Aaktong wala lang upang akalain ng iba'y ikaw nga'y may sayad,
Dahil kung magsalita sa harap ng iba'y malinis at banayad.
Aakalin mong totoo dahil magaling makipalaro,
Darating ang araw na baliktad na ang tunay na sitwasyon ninyo.Uubusin ka hanggang wala nang matira,
Uuga at iiwang parang buang na gumagala.
Manginginig ka sa galit at mangingit-ngit,
Maging saang angulo ikaw pa rin ang talo hanggang dulo.Kaya 'wag umibig ng taong sakim sa pag-ibig.