Pagbabagong Panglipunan

2 2 0
                                    


Ngayong Bagong Taon ang nais ay para sa pangkalahatan, hindi lang sa'kin ngunit para sa'yo at sa 'ting lipunan.

Ang Diyos ang nag-udyok nitong kahilingan, upang matamo natin ang pagkakaisa at kapayapaan.

Ang Panginoon sana ang ating paghariin, upang isip nati'y maging bukas sa kanyang mga alituntunin.

Nawa ang karunungan ng Kanyang salita'y maisapuso natin, para ito'y gawing mabuti't kaaya-aya sa kanyang paningin.


Sa mundo ay sukdulan ang mga sira ulo, kaya kailanga'y mabuting pinuno upang ito'y masugpo!

Mangyayari 'pag namumuno'y nakatingin sa Kaitaas-taasan, dahil takot sa Diyos ang kailangan nang mabigyang katuparan.

Marapat mamili ng pinunong may paninindigan, at hindi nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Sapagkat ito ang tanging hinihingi ng sangkatauhan, upang umunlad ang lipunan.


Subalit 'di marapat na ang pinuno lang ang bigyang sisi sa lahat nang kaganapan, kung ang bansa'y walang kaunlaran!

Sipag at tiyaga ang kailangan upang ang lahat ng naisi'y maganap, dahil Siya'y may-awa sa taong laging nagsisikap!

Huwag ibintang sa iba ang pagiging dukha, dahil lahat ng nakukuha at mula sa sariling gawa.

Hindi tama na nakatalukbong lamang sa kumot, katamaram ay di dapat pinahihintulot.

Kaya bumagon tayo at magtulungan, dahil walang maitutulong ang paghilata sa tulugan.

Kahilingan ng butihing tao ay laging nagkakatotoo, sapagkat ang Maykapal ay pumapanig rito.

Ang bawat plano'y kailangan rin ng pagtutulungan, nang ito'y magawa ng madalian.

Tamang komunikasyon rin ang kailangan upang maisakatuparan, Pagkat nag-aaway-away dahil sa maling usapan.

Ang lahat ay nais ng buhay na tahimik, subalit 'wag hayaan kung ang dangal nilublub na sa putik.

Makipaglaban sa katarungan at katutuhanan,
Maylikha ay pumapanig sa sa gumagawa ng tama.


VI

Ang prinsepyo'y huwag ipagpalit sa maliit na presyo, panatilihin gawin ang bagay na sakto.

Ang may akda ay hindi perpekto, ngunit nalalahad lamang sa realidad ng problema't karapatang pang tao.

Mamuhay ta'yo na sa Kanya lang may takot, at magbigay ng pag-ibig na 'di kakarampot.

Maraming pagkukulang ang makikita sa mundo, mawawakasan lamang ng pananampalatayang  mas tibay sa bato.


VII

Nawa ikaw at ako'y ipadasal ang bawat isa, at pagbabago ang laging naisin para sa ikauunlad at pag-asa.

Natutulog nating mga diwa'y pagtulungang gisingin, upang maplantsa ang problema't gusot sa buhay natin .

Paghihimagsik sa nais ng Diyos ay huwag pairalin, bagkus tamang daan ang dapat tahakin.

Pagbabagong para sa isat-isa ay maisasakatuparan, basta manalig tayo sa Maylikha nang Siya rin ay matuwa.



-•=.+.=•-
01/21/2016

Christine

TulaTonikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon