Kakalipat lang ni Kamille sa kanyang bagong paaralanan. Dito nya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral. Tanging ang kanyang ina na lamang ang nagtataguyod sa kanya. Dala-dala nya ang kanyang mga gamit papunta sa Girls' Dormitory sa loob mismo ng bago nyang paaralan.
Habang bitbit nya ito ay di nya mawari kung matutuwa ba sya o natatakot dahil ito ang unang pagkakataon nyang maihiwalay sa kanyang nanay. Ilang hakbang pa ang kanyang nagawa at narating na rin nya ang kanyang kwarto.
Isang babae ang bumungad sa kanya pagkatapos nyang kumatok sa pintuan. "Ikaw ba si Kamille?" tanong ni Nica sa kanya.
"Ako nga." sabi nya at lumingon sa loob. Nakita nya ang dalawang babae na nasa maliit na bangko at nagbabasa ng libro.
"Pasok ka. Ako nga pala si Nica." Binalingan naman ni Nica ang dalawa. "Guys nandito na yung bago nating room mate."
"Apat pala tayo dito. Yung isa e wala sya may pinuntahan lang. Wag mo masyadong pansinin yun kasi susungitan ka lang nya." sabi ni Gladys
"Tama, basta kapag susungitan ka nya wag mo na lang papatulan. Ang weird nun." sabat naman ni Nica
Limipas ang dalawang oras at natapos na nyang ayusin ang mga gamit nya sa isang lumang cabinet. Maayos naman ito at simple lang kung titignan mo. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakaitim na dress.
"Hello, ako yung bago nyong room mate, ako nga pala si Kamille. Nice to meet you." sabi nya.
"Natural, ngayon lang kita nakita, hindi naman ako tanga." sabi naman ng babae.
Hinayaan na lang ni Kamille ang inasta sa kanya ng isa pa nyang room mate at lumabas ng kwarto, tinignan naman nya ngayon ang paligid. Pinakiramdaman nya ang hangin at bumuntong hininga bago sya pumasok muli sa loob.
Mabilis na lumipas ang panahon at walang pag babago ang pakikitungo ng isa pa nyang room mate sa kanya, samantalang naging kaclose na nya ang iba.
Isang gabi habang mahimbing na tulog ang lahat ay naalimpungatan sya, bahagya syang bumangon sa kanyang kama, may naririnig syang iyak ng sanggol. Nilingon nya ang mga kama ng kanyang karoom mates ngunit wala sa kanyang kama ang isa sa kanyang room mate.
"Gladys, Nica, w-wala si..." hindi na naituloy ang kanyang sasabihin ng agad na sumagot si gladys.
"Ano ba kamille, baka nagCR lang sya. Matulog ka na."
Hihiga na sana sya nang biglang bumukas ang kabinet nya. Dahil sa antok ay itinulog na lang nya dahil inisip na lang nyang nabuksan ito dahil sa hangin na nagmula sa electric fan.
Maaga syang gumising dahil midterm exam nila ngayong araw. Nakatapis na sya at lumabas ng banyo para magpalit. Binuksan nya ang kanyang kabinet. Noong kukunin na sana nya ang kanyang uniporme ay nahulog ang isang lampin.
"Guys, kanino itong lampin na ito. Nailagay nyo sa cabinet ko?" tanong nya
"Duh. Bat naman namin lalagyan ng lampin yang cabinet mo kung palagi namang nakalock?" sabi ni Nica.
Bigla syang kinabahan. Naalala nya kagabi na bumukas ang kanyang cabinet. Agad nyang sinuri ang kanyang cainet, wala naman itong sira.
Nang gabing iyon, wala syang kasama sa kanyang kwarto dahil nakiparty ang kanyang alawang kasama. Nagkulong nalang sya sa kanyang kwarto at nahiga sa kanyang kama. Agad nyang binuklat ang isang libro at nag-umpisang magbasa. Ilang minuto pa lang ang lumipas ng makarinig sya ulit ng iyak na sanggol.
Dahil sa kuryosidad ay bumangon sya at inilapat nya ang kanyang tenga sa pader. Ngunit, hindi dito nagmumula ang iyak ng sanggol. Binuksan nya ang bintana upang malaman kung saan nagmumula ang iyak ng sanggol. Habang papalapit sya sa bintana upang buksan ay sya namang pagbukas ng kanyang cabinet.
Napatitig sya sa kanyang kabinet na nagbukas. Bigalng may nalaglag na botelya mula dito. Dahil sa kanyang takot ay mabilis syang nagtalukbong ng kumot nya. Habang nakatalukbong sya ay kitang-kita nya ang isang anino ng isang bata sa kanyang kabinet. Nawalan sya ng malay.
"Kamille, anong nangyari sayo?" tanong ni Gladys
"May... may multo sa cabinet!" sigaw nya habang tinuturo yung cabinet nya. Agad naman tumingin ang dalawang babae sa tinuturo nya.
"Alam mo friend, gutom lang yan siguro." sabi ni Gladys.
Ipinagsawalang-kibo na lang nya ito at kumain na lang. May mga gabing na ririnig nya ang isa pa nilang kasama na may kinakausap, minsan umiiyak naman ito. Hinahayaan na lang nya ito dahil sanay naman na sya gaya ng kanyang mga kasamahan.
Habang nasa kwarto sya ay nakarinig na naman sya ng iyak na sanggol at kalabog sa kabinet. Takot na takot na sya dito. Gaya ng dati bumukas na naman ito at may nalaglag na pacifier, sa kanyang takot ay hindi na nya magawa pang sumigaw dahil mas nakakahindik balahibo ang sumunod na pangyayari.
Mula sa kanyang cabinet ay lumabas ang isang baby at patuloy pa rin sa pag-iyak. Bumukas ang pinto at nakita rin ng mga kasamahan nya ang pangyayari. Kitang kita nila ang isang baby na nakalapag sa sahig.
Ilang minuto lang ay biglang nawala ang sanggol. Umiiyak namana ng isa sa kanilang kasama.
"Sorry, hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadya, patawad anak." sabi nya.
Ganun na lamang ang pagtataka nila ng alisin lahat ng laman ng cabinet ay may nakita sialng isang garapon na may lamang fetus. Kinaumagahan ay inilibing nila ito ng maayos. Naging maganda na rin ang pakikitungo ng kanilang room mate na ito.
Ang buong akala ng lahat ay tapos na ang pagpapakita ng sanggol na ito, pero nagkamali sila. Noong gabing iyon, abala silang lima sa kanilang pagkain ng makarinig sila ng iyak ng baby, agad nilang binuksan ang kanilang kwarto ngunit wala naman dito.
Nakahinga sila ng malamin kaya naman umupo sila agad at nagpatuloy sa kanialng pagkain. Walang anu-ano'y biglang nakaramdam si Veron ng malamig na pagdami sa kanyang hita. Sumilip sya sa ilalim ng hapagkainan at nagulat sya dahil nakakapit ang sanggol sdito. Pilit nya itong tinatanggal ngunit hindi nya matanggal-tanggal, natakot na rin sila Gladys, Nica at Kamille at napaurong sila.
Dahilsa labis na takot, tumakbo papalabas ng dorm si Veron tumakbo sya ng tumakbo hanggang di nya namamalayan ang isang sumaragasang trak. Biglang ngumiti ang sanggol sa kanya.
"Magkakasama na rin tayo mommy!"
BINABASA MO ANG
Sleep Tight
HorrorMula sa mga iba't ibang lugar ng inyong bahay hanggang sa inyong paaralan. Mga bagay na naiwan ng mga namatay. Mga kaluluwang naglipana kung saan-saan. Kinakailangan mong matulog ng maaga kung ayaw mong makita ang mga ito. Sleep tight!!!