Hindi mapakali si Ian sa kanyang kinahihigaan, halos paikot ikot na syang nakahiga sa kanyang kama. Nanlalamig sya at pinagpapawisan. Nakaramdam sya ng hapdi at hapo-hapo nya ang kanyang tiyan. Nais na sana nyang bumababa pero takot na takot syang bumababa at gumamit ng CR. Marami na syang narinig na mga nakakatakot na kwento ukol sa CR.
Dahil patindi ng patindi ang kanyang nararamdaman, naglakas loob syang bumaba dahil ilang saglit na lang ay bubulwak na ang kanyang nararamdaman. Sa kanyang pagmamadali ay halos takbuhin na nya ang hagdan para marating agad ang kanyang trono.
Hindi na nya binuksan ang mga ilaw sa kanyang daraanan dahil kabisado naman na nya ang kanilang bahay-madilim man o may liwanag. Agad nyang ibinaba ang kanyang shorts kasama ang kanyang brief at agad na umupo. Hindi na nya isinara ang pintuan dahil muli syang nakaramdam ng takot.
Nakarinig sya ng tawa mula sa kanyang gilid. Nilingon nya agad ito at doon nya napagtanto na may kasama pala sya rito. Isang bulto ng batang babae ang nakatingin sa kanya habang gumagapang. Duguan ang kanyang ulo at pilit na lumalapit sa kanya. Papalapit ng papalapit ang batang ito sa kanya. Dahil hindi pa sya tapos sa kanyang pagdedeposito ay nahawakan na sya ng batang babae.
Hindi na sya nagdalawang isip na tumakbo pabalik sa kanyang kwarto. Ayaw nyang sumigaw dahil mapapagalitan lang sya. Pagkagising nya ng umaga ay agad na bumungad ang kanyang nanay na galit na galit.
"Ano bang ginawa mong bata ka at sa daan ka na tumae. Tignan mo ang ginawa mong kalat, huwag mo nang ipagkakaila. Naiwan mo ang saplot mo sa banyo." sigaw ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Sleep Tight
HorrorMula sa mga iba't ibang lugar ng inyong bahay hanggang sa inyong paaralan. Mga bagay na naiwan ng mga namatay. Mga kaluluwang naglipana kung saan-saan. Kinakailangan mong matulog ng maaga kung ayaw mong makita ang mga ito. Sleep tight!!!