4. Salamin(Sa Kwarto)

88 2 0
                                    


Salamin... Naging parte na ito ng ating buhay. Ito ang tinitignan natin upang maayos natin ang ating sarili. Tunghayan ang kwento ng isang babae na mahilig tumingin sa salamin sa kahit na anong oras.

Si Kyla ay pangkaraniwang babae na mahilig mag-ayos ng kanyang sarili dahil sa kanyan pagdadalaga na normal naman sa kanyang edad. Ang iba lang sa kanya ay palagi itong lumilingon sa kanyang salamin. Kahit saan basta makakita ito ng salamin ay agad na susulyap upang makita ang kanyang sarili.

Hanggang sa kanilang bahay ay ganoon pa rin ang kanyang pinaggagagawa. Madalas na ito ang dahilan kung bakit matagal sya sa CR at sa paghahanda kung may lakad ang pamilya. Umaabot sya ng halos mag-isang oras. Madalas rin na ito ang pinag-aawayan nilang mag-ina. Kahit gabi bago sya matulog ay nakagawian na nyang tumingin sa salamin.

Dahil sa pagkahumaling nya sa salamin, itinapat nya ang kanyang ulunan sa mismong harap ng salamin. Ilang beses na syang binalaan ng kanyang nanay na hindi magandang ideya na kaharap mo ang salamin sa pagtulog. Naging matigas ang kanyang ulo.

Isang gabi natapos na syang maligo ay tumingin ulit sya sa salamin sa kanyang CR. Napangiti sya ng makita ang kanyang sarili.

"Naks, ganda ko talaga o. Kahit saang anggulo." sabi nya.

Inayos-ayos na nya ang kanyang basang buhok at tumagal sya ng ilang minuto dito. Lumabas na ya ng CR at agad na nagpalit ng kanyang damit. Hinarap nya ang salamin at dito na naman nag-ayos. Pagkatapos nyang mag-ayos ay humiga na sya sa kanyang kama, kaharap nya ang salamin.

Naalimpungatan sya ng makaramdam sya ng kakaibang lamig sa kanyang likuran. Nagising ang kanyang diwa at kinuha ang nakababang kumot at agad nya itong tinakip sa kanyang sarili. Bago pa man sya pumikit ay nagulat sya ng may makita sya sa salamin na nakatabi sa kanya.

Dahil sa kanyang nakita ay agad syang bumaliktad upang tignan kung sino ito ngunit wala namang tao ang naroon maliban sa kanyang sarili. Muli nyang tinignan ang salamin at naroon pa rin yung nakita nyang katabi nya. Nakaramdam na sya ng takot.

Tumayo sya at lumayo sa kama dahil sa takot, ngunit wala syang nakitang nilalang na nakahiga sa kama.  Nang makumpirma nyang wala talaga syang katabi ay agad syang lumingon sa salamin. Muli nyang nakita ang lalaking nakahiga sa kanyang kama. Tinignan nya ang kanyang kama ngunit wala dito. Napagtanto nya na ang nakikita nyang lalaki na nakahiga sa kama ay ang repleksong ginagawa ng salamin.

Dahil sa takot ay agad nyang binuksan ang pintuan ngunit ayaw itong bumukas. Ilang beses nyang pinihit ang knob ngunit kahit ano pang pilit nya ay ayaw bumukas.

"Ma!!! Tulong, may halimaw!" sabi nya ng ubod ng lakas. Walang naririnig na ingay ang kanyang ina na katabi lang ng kanyang kwarto.

Wala syang magawa kundi ang mapaupo na lang sa gilid. Napalingon sya sa salamin. Nakita nya na gising na ang lalaki na naroon. Nanlilisik ang mga pulang mata nya. Nang makita sya nito ay agad na puminta ang malapad na ngiti. Bumangon ito at papalapit na sa kanya.

Sa sobrang takot nya ay naisipan nyang basagin ang salamin. Lumingon sya sa paligid at agad na nakakita ng isang Vase. Hindi na sya nagdalawang isip pa na ibato ang vase. Nabasag ang salmin sa kanyang kwarto. Dahil sa lakas ng impact ay may ilang mga bubog ang tumama sa kanyang mukha at nasugat ito.

Mabilis na rumesponde ang kanyang mga magulang s akanyang kwarto. Nakita na lang nila ang kanilang anak na duguan ang mukha at walang malay.

Simula nang araw na iyon ay takot na sya sa salamin. Isang malaking peklat ang naiwan sa kanyang mukha na tanda sa pagkahumaling nya sa sa lamin.


Sleep TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon