Si Yana ay napakahilig sa pagbabasa ng mga libro. Tuwang-tuwa sya kung nakakahiram o nakakabili sya ng mga librio, bago man ito o mga pinaglumaan ng iba. Ang hindi lang maganda sa kanya ay wala syang ingat sa mga nababasa nyang libro. Ang importante sa kanya ay ang malaman ang istoryang nasa loob ng kanyang binabasang libro.
Kahit saang lugar ay makikita mong libro ang kaharap nya. imbes na makipagkwetuhan o magmeryenda tuwing break nila ay naroon sya sa library at nagbabasa ng libro. Kayang-kaya nyang basahin ang tatlong libro sa loob lamang ng isang araw kahit marami pa syang gawain.
Buntis ang asawa ng kanyang kuya noong panahong iyon. Pangatlo na ito. Alam na alam nyang isa ring mahilig sa libro ang kanyang sister-in-law pero nahihiya naman syang hiramin ang mga ito dahil kung titignan mo ang kanyang mga libro ay parang hindi pa nagagamit ngunit ilang taon na itong nabili.
"Yana, ano ba naman itong kwarto mo, kalat-kalat ang mga libro?" sabi ng kanyang ina.
"Ma, ako na ang bahala nyan."
Palaging ganito ang sitwasyon nilang mag-ina. Sinisita palagi dahil sa mga nakakalat na libro. Ang ilan pa nga ay halos masira na dahil nauupuan at nahhigaan nya ito.
Ilang araw ang lumipas at kabuwanan na ng kayang sister-in-law. Nahirapan ito sa panganganak at namatay. Mabuti na lang at buhay ang bata. Laking dalamhati para sa kanyang kuya ang masamang pangyayari na dumaan sa kanilang buhay. Ilang taon pa lang silang nagsasama.
Makalipas ng ilang linggo ay nakaaho na rin sa wakas ang kanyang kuya. Masaya na ito at tanggap na ang pagkamatay ng kanyang minamahal.
"Anak, ikaw na muna magbantay sa mga pamangkin mo ha. Lalabas lang ako at mamamalengke. Mamayang gabi pa uuwi ang kuya mo." bilin ng kanyang ina sa kanya.
Kakabangon pa lang nya sa kanyang higaan dahil puyat sya sa kakabasa. Sinilip nya ang kwarto ng kanyang kuya. Tuog pa ang kanyang mga pamangkin. Nahatak sya ng kanyang paningin sa mga koleksyong libro ng yumaong asawa ng kanyang kapatid.
May kung anong hiwaga ang kanyang nakitaat agad syang kumuha ng apat na libro.
"Magbabasa muna ako habang tulog pa sila." sabi nya sa kanyang sarili at agad na pumwesto sa salas.
Naalagaan naman nya ang kanyang mga pamangkin kahit na nagbabasa sya ng mga libro. Maayos nya itong inaalagaa ng dumating ang kanyang ina.
"Hay naku Yana, bakit mo kinuha ang mga gamit ng patay? Masama yan."
"Pero Ma, isasauli ko naman ito."
"Siguraduhin mo lang yan."
Dahil sa kanyang nakaugalian ang pinakaiingatang libro ng kanyang sister-in-law ay napunit ng kanyang pamangkit dahil hindi nya ito isinauli. Nang makita nya ito ay agad nyang pinagpapalo ang bata na walang muwang sa kanyang ginawa.
"Yana! ANo ba! Tama na yan. Bata lang yan." awat ng kanyang ina
"Pero ma, yung libro ni ate nasira. Sigurado akong mag-aaway kami nito ni kuya." pagmamaktol nya
"Sinabi ko naman na isauli mo agad yan. Tignan mo nga ang nangyari. Sa bata mo pa isisisi ang kasalanan mo. Hay ewan o sayong bata ka."
Noong gabing iyon ay hindi sya mapakali dahil kapag nalaman ito ng kanyang kuya paniguradong mag-aaway silang magkapatid. Ayaw na ayaw pa naman nyang nagagalaw ang mga gamit ng kanyang yumaong asawa.
Agad syang bumangon at kinuha ang libro. Pumuna sya sa kusina at kumuha ng posporo para sunugin ito. Pagkakuha nya ay agad syang dumiretso sa likod ng kanilang bahay upang isagawa ang pagsusunog.
Sinindihan nya ang posporo at sinunog na nya ang libro. Nakaramdam sya ng takot nang may marinig syang umiiyak. Lumingon sa sya kanyang paligid ngunit wala. Tinignan nya ang libro na kanyang sinusunog at laking gulat nya nang makita nya ang isang imahe ng babae na ginawa ng usok.
Ilang saglit lang ay nagpakita ang kanyang ate sa kanya na nanlilisik ang mga matang papalapit sa kanya. Mablis syang tumakbo sa loob ng bahay nila at dumiretso sa kanyang kwarto. Agad nyang isinara ang pinto. Isinindi nya ang ilaw at nakita nya roon ang kaninang sinusunog na libo. May bakas itong sunog ngunit maayos ito.
Pinulot nya ang libro at ibinato dahil sa matinding takot. Pagkabato nya ito sa labas ay agad syang nakahinga dahil walang multo ang nagpakita. Agad syang humiga sa kanyang kama at natulog. Naalimpungatan na ang sya ng may biglang nakihiga sa kanyang ama. Akala nya ay ang kanyang ina ngunit noong lingunin nya ito nakita nya ang naagnas na bangkay ng kanyang ate.
BINABASA MO ANG
Sleep Tight
HorrorMula sa mga iba't ibang lugar ng inyong bahay hanggang sa inyong paaralan. Mga bagay na naiwan ng mga namatay. Mga kaluluwang naglipana kung saan-saan. Kinakailangan mong matulog ng maaga kung ayaw mong makita ang mga ito. Sleep tight!!!