Nitong nakaraang araw lang ay may kakaibang pangyayari na naman akong naranasan. Byernes ng gabi mga pasado ala-una na yun ng magising ako dahilsa mga umaalulong na aso. Hindi naman talaga ako takot sa mga ganyang bagay. So ang ginawa ko ay lumabas ako dahil ihing ihi na ako. Habang umiihi ako ay may nakita akong matandang lalake. Noong una ok pa pero ng makita ko sa may bandang paa nya lumulutang.
Sumunod na gabi ay ganun na naman ang nangyari. Umalulong ulit ang mga aso. Alam kong may mamamatay na naman sa amin. Ilang taon na kasi akong nakakaramdam kapag may mamatay dito sa amin. So ganun nga, bumangon ako at sumilip sa pintuan. Pero wala akong nakita.
Sumunod na gabi ay anun parin. Umalulong ulit ang mga aso dito sa amin. Kinabukasan, nabalitaan ko na lang na ang isa sa mga kapitbahay namin ay namatay na.
BINABASA MO ANG
Sleep Tight
HorrorMula sa mga iba't ibang lugar ng inyong bahay hanggang sa inyong paaralan. Mga bagay na naiwan ng mga namatay. Mga kaluluwang naglipana kung saan-saan. Kinakailangan mong matulog ng maaga kung ayaw mong makita ang mga ito. Sleep tight!!!