11. Ang Bintana

21 2 0
                                    


Around April noong nakaraang taon na nang mangyari ito. Alalang-alala ko pa ang bawat detalye. Salamat sa Dyos at heto ako ngayon buhay pa rin.

Isang gabi ay nagbabasa ako ng libro dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Sadyang pinapagod ko lang ang aking mga mata. Patay na ang ilaw ngunit mayroon akong flshlight sa aking higaan. gamit ko itong pang-ilaw sa aking binabasa. Malapit sa bintana ang aking higaan ngunit hindi ako doon naka harap kundi sa aking cabinet.

Ilang minuto na rin ang lumias ay naramdaman ko na bgilang lumamig sa paligid. Dala na rin ng pagod ng aking mga mata ay tiniklop ko na ang libro at inayos ang aking pagkakahiga. Humarap ako sa bintana. Isang pagkakamali ang aking nagawa, dahil mula sa bintana ay may nakita akong isang maiitim na bulto ngunit hindi ko makita ang kanyang mga mukha, tanging ang kanyang mapupulang mata ang naaninag ko. At ang malala pa ay hindi ko na maigalaw ang aking sarili.

Kitang-kitang kita ko pa rin na nakatitig sya. Pinipilit kong igalaw ang aking mga daliri sa paa ngunit mahirap. Nagdasal na lang ako. Takot na takot ako nang oras na iyon "Glory be to God" yan ang paulit-ulit kong dasal. Ilang segundo lang ay nagalaw ko na ang aking daliri. pawis na pawis ako. Muli akong nagdasal nang oras na iyon.


Ang buong akala ko ay tapos na ang lahat ngunit hindi pa pala. Nang sumunod na gabi, lumala ang pangyayari. Dahil nagtatrabaho ang aking kapatid ng gabi sa isang computershop umalis sya nang hindi man lang sinara ang pintuan pati ang gate. Inis ako sa ganyang gawain nya. Napakairesponsable naman. Bweno, nang oras na iyon ay mabilis akong nakatulog, naalimpungatan na lang ako nang may maramdaman akong kakaiba. Pagkadilat ng aking mga mata ay nakita ko ang maiitim na bulto-tatlo na sila. Kitang kita ko ang isa na may checkered na balabal. Lahat sila ay may balabal.

Naramdaman ko na lang na hinihila nila ang mga paa ko pero hindi ko maigalaw ang aking katawan. Dahil sa rami nila, ramdam ko na ang kanilang hinihila ay hindi ang aking katawan kundi ang aking kaluluwa. Nararamdaman ko kasing magaan na parang lumulutang ang aking mga paa samantalan mabigat sa aking ulo at kamay. Panay ang dasa ko sa pangyayaring iyon. Sa aking palagay ay tumagal ito ng mahigit isang minuto. Nagpapasalamat talaga ako sa Dyos dahil tinulungan nya ako.

Sleep TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon