Foundation Day

14 3 0
                                    


Galing ito sa aking kaibigan na nagtuturo sa isang paaralan. Foundation day nila noon at ito na yung pinakafinal o yung program proper nila. Ibig sabihin nairto na yung mga candidates para sa kanilang paaralan.

Masaya ang ang naging bunga ng foundation day nila at inabot ito nang hanggang alas otso ng gabi. Dahil naiwan ng aking kaibigan at ng kanyang mga kasama ang kanilang gamit sa kwarong nasa likod ng stage ay pinuntahan nila ito kahit na medyo madilim.

"Uy, ang dilim naman dito, Kuya wala ka bang flaslight dyan?" wika ng kaibigan ko. Walang imik at hindi man lang lumingon ang kausap nya.

"Uy, girl, isnabero ang peg, hindi man ka man lang pinansin ni kuya." wika naman ng kasama nya.

Pakapa-kapa sila sa paghahanap ng kanilang mga gamit hanggang sa matunton na nila. Nakita pa rin nila ang lalaki na nakatayo pa rin at walang imik.

"Kuya, ano bang nangyayari sayo?" tanong ng kaibigan ko. Dahil sa hindi pa rin ito sumasagot nilapitan nya upang tapikin. Ngunit nung tatapikin nya ay tumagos ang kanyang kamay.

Nanlamig ang dalawa sa nasaksihan kaya patakbo silang lumabas ng kwartong iyon. Kinabukasan, binahagi nila ang kwento sa kanilang mga kaguro. May isang nakarinig na kaguro nila at lumapit sa kanila.

"Nagpakita pala sa inyo yung janitor. Doon sya sa kwartong iyon nagpakamatay matapos malaman na may kabit ang kanyang asawa."

Dahil sa nalaman hindi na nila nagawang bumalik sa kwartong iyon...

Sleep TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon