3. Hagdan (Sa Bahay)

82 3 0
                                    


Pauwi na si William galing sa nakakapagod nyang trabaho. Alas-dyes na ng gabi sya nakauwi ngayon dahil sa over time at kinakailangang tapusin para kinabukasan. Magkakahalong gutom, pagod, at antok ang kanyang nararamdaman habang nagmamaneho sya ng kanyang kotse. 

Nang marating nya ang kanilang bahay ay sya pa mismo ang nagbukas ng kanilang gate dahil ayaw na nyang istorbohin pa ang mga nagpapahingang kasambahay nila. Pagkabukas nya ay agad nyang iginarahe ang kanyang sasakyan at pumasok na sa loob. Dumiretso sya sa kanyang kwarto. Sa hagdan pa lang ay nakaramdam sya ng malamig na hangin at parang may nakatitig sa kanya. 

Hindi na lang pinansin ito ni William dahil nais na nyang maligo at makakain para makapagpahinga agad. Sa wakas ay narating nya ang kanyang kwarto at agad syang naligo. Pagkatapos nyang maligo ay agad syang nagpalit. 

Habang nagpapalit sya ay nakarinig sya ng mga yapak a nagmumula sa may hagdanan.

"Sino kaya ang gising?" tanong nya sa kanyang sarili. Nagmadali syang bumaba papunta sa kusina. Nakapatay ang ilaw. Agad nyang pinuntahan ang kanilang Fridge upang maghanap ng makakain. Sa bandang dulo ay may nakita syang kulay pulang ilaw.

"Mukhang pinaghanda nila ako a." sabi nya sa kanyang sarili. "Ma, pagkainit ng makakain sa microwave pasuyo na lang po sa aking kwarto. Pagod na pagod na po kasi ako." sabi nya sabay kuha ng malamig na tubig at paalis na.

Nasa may hagdanan sya ng kinilabutan sya. Maalala nya na sira at itinapon na nila ang kanilang microwave. Hindi pa sila nakakabili. Ang mga sumunod na pangyayari ang ikinagulat nya. Dahil noong papataas sya ay may nakita syang anino sa hagdanan. Animo'y nakaharang sa kanyang daraanan. Pababa na sana sya nang makita nya ang isang lalaki na nanlilisik ang kanyang mga mata.

Hindi nya alam kung taas sya o bababa sa hagdanan dahil dalawang nilalang ang nakarang dito. Napaupo na lamang si William at ipinikit ang mga mata.

Biglang bumukas ang ilaw. "Anak bakit ka nakaupo dyan sa hagdan?" tanong ng kanyang nanay.

"M-may multo po." pagpapaliwanag nya. 

"Naku gutom mo lang yata yan e." sabi ng kanyang nanay.

Tumayo na si William at inayos ang sarili. Nahulog sya sa hagdan ng makita nya ang lalaking nanlilisik sa likod ng kanyang nanay. Dahil sa kanyang pagkakahulog. Nabagok ang kanyang ulo at nawalan ng malay.


Sleep TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon