5. Sa Salas

48 3 0
                                    


"Anak, maiwan ka na muna dito sa bahay. Wala kasing ibang magbabantay. Manood ka na lang ng TV o kaya'y mga VCD dyan. Hindi ko tikay kung anong oras kami uuwi." sabi ng nanay ni Ren a kanya habang papaalis. Wala rin ang kanyang kuya at isa pang kapatid dahil nagbasyon ang mga ito sa kanilang pinsan.

"Kung nagugutom ka, may naluto na akong makakain mo dyan sa kusina, kumain ka lang. Basta bantayan mo itong bahay ha. Huwag na huwag kang gagawa ng hindi kanais-nais." muling sabi ng kanyang ina.

Patango-tango nalang si Ren sa mga sinasabi ng kanyang ina.  Tinignan nya ang oras, ala-una pa lang ng hapon. Tinignan nya ang paligid. Naupo muna sya saglit sa kanilang sofa at nag-isip ng magagawa para hindi mabagot.

Bigla nyang naalala ang Playsation 3 ng kanyang kuya. Eksakto at matagal-tagal na rin nya itong nais na paglaruan. Hindi kasi sya pinapayagan ng kanyang mga magulang na laruin ito. Madali nya itong kinuha sa kwarto ng kanayng kuya at ilang minuto lang ay nakapagsimula na itong maglaro. 

Pinili nya ang kanyang inaasam-asam na laruin. Napakasaya nya at nalaro na rin nya ito sa wakas. Hindi nya namamalayan na ang oras ay mabilis na lumipas. Tinignan nya ang labas, umuulan na pala, napakadilim ng kalangitan. Ilang minuto lang ay lumakas ang hangin.

Nakaramdam na sya ng takot lalo na't madilim na ang paligid. Agad nyang sinindihan ang ilaw para lumiwanag. Agad namang kumulog at kumidlat. Para maibsan ang kanyang takot ay ipinagpatuloy nya ang kanyang paglalaro.

Mas lalo syang natakot ng biglang nawalan ng kuryente. Naging madilim ang kanyang kinalalagyan kaya naman nakaramdam na sya ng takot. Nagkubli sya sa sofa at ipinikit ang kanyang mga mata. Ayaw nyang makakita ng multo.

Nakarinig sya ng malalakas na katok sa kanilang pintuan. Nagulat sya dto. Takot na takot na sya dahil sa namumbalik s akanyang isipan ang pananakot ng kanyang kuya sa kanya. Ilang saglit lang ay tumigil ang pagkatok kaya nakahinga na si Ren ng maayos. Nagimbal sya nang mapalingon sya sa kanyang likuran dahil may multo na walng ulo ang nakatayo dito. 

Dahil sa kanyang nakita napasalampak sya sa sahig at halos gumapang na sya papalayo sa sofa. Bigla nalang naglakad ang pugot  papalapit sa kanyang kinalalagyan.  Dahil pader na ang nasa likod ni Ren ay ipinikit na lang nya ang kanyang mga mata. Matagal rin nya itong ipinikit. Sa wakas ay nagkaroon na rin ng dagitab kaya't sumindi na ang ilaw sa salas. Nakaramdam ng ginhawa si Ren dahil dito. Tumayo na sya at pumunta sa sofa. Muli nyang binuksan ang TV at naglaro. Hindi nya namamalayan na nasa kanyang tabi na pala ang pugot na ulo. Nakaupo ito na para bang may hinihintay. 


Sleep TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon