6. Aparador

60 3 0
                                    


Napakahilig ni Lorna sa antigong aparador. Sa kanilang bahay ay may mahigit na dalawampung aparador ang narito. Kahit na may kalumaan na ang mga ito ay pinaka-iingatan nyang ginagamit ang mga ito. 

Saan mang sulok ng kanilang bahay ay may makikita kang mga aparador. Nilalagyan nya ng mga iba't ibang kagamitan. Maliban sa isang aparador na nasa isang bakantang kwarto. Ayaw nya itong ipagamit dahil namumukod tangi ito sa lahat. Kakaiba ang kanyang disenyo. Kung titignan mo ito ay napakaluma na ito ngunit dahil sa matinding pangangalaga ng mga naunang umamit ay maayos ito.

Ang salamin ng naturang aparador ay halos namumuti na sa kalumaan na syang nakadaragdag ng atraksyon sa mga mahihilig sa antigong mga kagamitan.

Dahil sa papalapit na ang bagong taon, napag-isipan ng mag-anak na magkaroon sila ng reuinion. Tinawagan ni Lorna ang lahat ng kanyang kapatid para sa bahay nila salubungin ang bagong taon. Lima silang magkakapatid. Dalawang lalake at tatlo silang babae. Malaki ang kanilang bahay at may anim na kwarto ito na kasya para sa kanilang lahat.

Sumapit ang ika-31 ng Disyembre at nagsidatingan na ang kanyang mga kapatid. Nagkamustahan ang lahat, nagkaraoon ng halakhakan, kwentuhan, at malulutong na biruan. Muli na namang nagkakasama ang mga magpipinsan. 

Mahilig si Leo na mamasyal at halungkatin ang buong lugar ng pupuntahan nilang bahay man o kahit na anong building. Una syang pumunta sa kusina, sinuri nya ito, hanggang a tumaas sya at inisa-isa ang mga kwarto. Napansin nya na napakaraming mga aparador sa bahay. Hindi nya pinag-interesan ang mga ito.

Napadpad si Leo sa isang bakanteng kwarto. Pagkabukas nya ng pinto ay may nakita syang lalake na nkatayo sa harap ng aparador. Nakita nya ang mukha nito pero hindi nya kakilala. Agad nyang isinara ang pinto dahil nahiya sya sa pangyayari.

Bumaba na sya matapos nyang makita ang kabuoan ng bahay. Nadatnan nya ang kanyang mga kamag-anak na abala pa rin sa kwentuhan.

"Tita Lorna, sino po yung lalake sa taas doon sa bakanteng kwarto?" tanong ni Leo kay Lorna

"Ha? Tayo lang naman dito ah. Saka mga babae yung mga kasambahay namin. Gutom lang yan." sabi ng kanyang tita sa kanya at inabutan sya ng tinapay.

Hindi na lang nya ito pinansin dahil inakala nga nyang gutom sya. Ilang oras ang dumaan at maingay pa rin ang dating tahimik na bahay. Dahil medyo nababagot na ang mga bata, napag isipan nilang maglaro gamit ang camcorder. Laat ng magpipnsan ay namasyal sa buong bahay. Ipinapakita nila ang iba't ibang uyri ng aparador. Ang ilan ay ginagawa nilang biro ang aparador. 

Muli na namang napadpad si Leo sa bakanteng kwarto at doon ang kanilang sumunod na pinuntahan. Nang makita nila ang kakaibang aparador agad silang nagtawanan habang binivideo nila ang buong kwarto.

Makalaipas ng ilang minuto ay bumaba na sila. Nasa hagdan palang sila ng makarinig sila ng natumbang aparador. 

"Ano yun?" tanong ni Lorna sa lahat nang marinig nila ang ingay na nanggaling sa itaas. Agad silang nagkatingan.

"Ang magpipinsan" sabi ni Dave. Mabilis silang tumaas at nadatnan nla ang magpipinsan na nagtataka rin gaya nila.

Tinignan nila ang mga kwarto upang alamin kung ano yung natumba. Nakita nila na nakatumba ang isang aparador sa isang bakanteng kwarto.

"Sino ang nagtumba nito?" galit na tanong ni Lorna sa magpipinsan.

"Hindi po namin alam. Nakarinig po kami ng natumbang aparador nang pababa na kami ng hagdan." pagpapaliwanang ni Tony.

"Pero imposible. Umamin na kayo!" sabi ni Lorna.

"Lorna, may hawak silang camcorder. Para makita natin kung sino talaga ang nagtumba ng aparador panoorin natin." mungkahi ni Dave sa kanyang kapatid

Agad nilang isinalpak sa TV ang camcorder at pinanuod ang kuha ng mga bata. Nang nasa bakanteng kwarto sila may nakuhang imahe ng lalake na nakatayo sa salamin.

"Tita, sya yung lalake na tinatanong ko kanina." sabi ni Leo.

Parang pamilyar sa kanya ang mukha ng lalake. Nag-isip sya ng maiigi. Sa kanilang pinapanood nakita nila na pababa na ang magpipinsan nang marinig nila ang malakas na kalabog.

Agad silang kinabahan dahil napagtanto na nilang lahat. Naalala na ni Lorna kung sino yung lalake.

"Hindi pwede, patay na yung lalakeng yun. Kailan lang suya namatay, sya ang nagbenta sa akin ng aparador na iyon." sabi ni Lorna sa kanialng lahat. Pagkatapos nyang masabi ang katagang iyon ay nakarinig silang lahat ng nabasag na salamin na nagmumula sa taas. Walang may gusto sa kanila ang pumasok pa sa bakanteng kwarto na iyon.





Sleep TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon