Ang lamig ng gabi. Wala akong nakikitang kahit na isang bituin.
"Ang kapal ng mukha ng lokong yun. To think na dinagdagan ko pa yung pocket money niya papuntang Singapore. Tapos malalaman ko lang na nag-Boracay lang pala kasama yung kalandian niya?"
Sobrang init pa din ng ulo ko habang nagkukwento sa best friend ko. Mag-aanim na buwan na sana ang relasyon ko kay Christian kung hindi ko nalaman ang tungkol sa katarantaduhan niya. Gago siya.
"I hate to say 'I told you so,' but I told you so," sagot ni Billy.
"Friend naman, wag mo nang ipagduldulan sa akin ang katangahan ko," sabi ko sa kanya habang nagsisindi ng yosi.
"Eh kasi naman, hindi ka natututo. Mula nang naging kayo nung Christian na yan, every time na lang na magkikita tayo, lagi kang naglalabas ng sama ng loob mo. What do you expect I feel about the whole relationship?"
"I know. I know. Kaya nga tinapos ko na kanina," mahina kong sagot sa kanya.
"As in 100% over na?" tanong niya.
Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat, "oo, baliw."
"Sabi mo yan, ah. Baka sa susunod na magkita tayo, ibang chapter na naman ng relasyon ninyong dalawa ang marinig ko," natatawang sagot ni Billy.
"Why do I feel like you're already getting tired? Sabihin mo lang para makapaghanap na ako ng bagong best friend."
"You see, that's the thing Mike. You can have new boyfriends every other day but you can never replace me. At alam mo yan sa sarili mo," sabi ni Billy sabay tawa ng malakas.
"Lakas. Masyado kang confident 'no?" pang-aasar ko sa kanya.
"O bakit, hindi ba totoo?"
"Sabi ko nga." Magsisindi pa sana ako ng yosi ng biglang inagaw sa akin ni Billy yung pack.
"Nakaka-anim ka na mula ng maupo tayo dito. Gusto mo na talaga ako ma-ulila sa kaibigan ano?"
"Ay wow, di ko alam na nanay ko pala kasama ko ngayon. Haha. O sige wala na for today," sagot ko sa kanya.
"Good," maikling tugon ni Billy sabay lagay ng yosi ko sa bag niya.
"Tutal 11:30 pm na rin naman. So after thirty minutes, pwede na ulit," sagot ko sa kanya.
"Ay ok fine, o ito, kainin mo yan yosi mo, tapos pakamatay ka na rin after," halatang inis na sagot ni Billy.
"Ito naman, nagbibiro lang eh."
"Gago ka kasi Mike. Alam mong ilang taon na kitang kinukumbinsi na tumigil sa paninigarilyo, pero ayaw mo. So sige, hinayaan kita. Pero wag mo pakita sa akin kung gaano ka ka-adik diyan."
"Oo nga, hindi na. Sa totoo lang hindi naman na talaga ako malakas manigarilyo dahil ayaw nga din ni Christian..."
"Akalain mong may maganda rin pala yung dulot sa buhay mo," pagputol na reaksyon ni Billy.
"Baliw. Pero yun nga, tuwing nag-aaway kami, which was like every other day, napapayosi na naman ako."
"Tigilan mo na muna kasi, Mike. Bata ka pa naman, gwapo, matalino, hindi ko alam kung bakit parang sinusunggaban mo yung bawat lalaking makakasalubong mo."
"Iyan ka na naman. It's because you don't understand, Billy. You've only been in one relationship and until now kayo pa din. Sinuwerte ka na yung unang taong nakilala mo, siya na yung makakasama mo habambuhay. Hindi tulad ko na kailangan pa magtrial and error para makilala kung sino yung perfect for me."
"You know that's not true. It was not that easy of a road for me."
"But you get what I mean. Kahit nung hindi pa kayo, it was not that hard for you to attract good people. Eh ako parang may sumpa, puro gago natatapat sa akin."
"Maybe you are the exception to the rule 'opposites attract'," nakangiting sabi ni Billy.
"Best friend kita ano? Ramdam ko talaga, eh"
"You know I'm just kidding. Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan tuwing nagkukwento ka ng mga nangyayari sa yo. Because I know you don't deserve any of that. At hindi ako titigil kakaumpog ng ulo mo sa pader until you realize that yourself," sagot ni Billy.
"Alam mo minsan, sweet ka talaga sa akin."
"Kaya nga mahal mo ko diba?" pang-aasar na sagot ni Billy.
YOU ARE READING
Not Over You
Romance"You know I'm just kidding. Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan tuwing nagkukwento ka ng mga nangyayari sa yo. Because I know you don't deserve any of that. At hindi ako titigil kakaumpog ng ulo mo sa pader until you realize that yourself," sago...