Part 2

1 0 0
                                    

"You know I'm just kidding. Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan tuwing nagkukwento ka ng mga nangyayari sa yo. Because I know you don't deserve any of that. At hindi ako titigil kakaumpog ng ulo mo sa pader until you realize that yourself," sagot ni Billy.

"Alam mo minsan, sweet ka talaga sa akin."

"Kaya nga mahal mo ko diba?" pang-aasar na sagot ni Billy.

"Kailangan talagan laging i-bring-up yung past?"

"What I meant was you love me as your best friend."

"Forever mo nang ipang-aasar sa akin yun ano?"

"Hindi naman. Minsan lang."

Bigla kong naalala ang nangyari ng gabing yun.

Anak ng. Wala pa kaming isang buwan ng gagong boyfriend ko na si Nico, nanloko na agad. Hindi ko na alam kung anong sumpa ang meron ako.

Napagdesisyunan kong pumunta sa Bed para mag-unwind. Sinusubukan kong tawagan si Billy pero hindi sumasagot. Malamang naglalampungan na 'yun ng jowa niya.

Paglapit ko sa bar ay umorder na ako ng Blue Frog. Gusto kong tamaan. Gusto kong malasing para makalimutan ang kamalasan ko sa buhay.

Nakaka-limang baso na ako ng biglang may tumawag.

"Hello...shinu 'to?" Ang malabo kong tanong.

"Hello, asan ka?" tanong ng kausap ko sa telepono.

"Who's this? Iniistorbo mo pag-inom ko eh!"

"Si Billy 'to. Asan ka ba? Pupuntahan kita." Napataas na ang boses ng kausap ko.

"Andito ako sa Bed. Come join me, my friend! Let's celebrate! Your best friend is now again single! Damn it..." Sagot ko ng may kasamang tawa. Pero tumulo pa din ang luha. Tang ina, pinipigilan ko ngang huwag maiyak, eh. He's not worthy of my tears and sadness.

Lumabas ako ng bar para magyosi. Nakatayo lang ako dun at pinagmamasdan ang mga lalaking sa tingin ko ay manloloko lang lahat.

Umupo ako sa bakanteng silya para magpahinga at magpaalis din ng tama. Alam kong papagalitan na naman ako ni Billy kapag nakita niya akong lasing na lasing.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakalipas bago dumating si Billy. Bigla na lang niya akong hinila patayo at sinabihang aalis na.

"Kumain muna tayo somewhere. Magagalit na naman sayo si Tita kapag umuwi kang ganyan," anito.

"Look, Billy. I'm not drunk. I'm fucking lonely." Hindi ko na napigilang umiyak at yumakap sa kanya. Hinigpitan na lang niya ang hawak sa akin habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"Thank you for coming," sabi ko rito nang napasok na kami ng kotse.

"Mamaya ka na magkuwento kapag sober ka na." Inumpisahan na niyang magmaneho.

"Alam mo ba Billy, kanina pa kita tinatawagan kaso hindi ka sumasagot," mahina kong sabi rito habang nasa biyahe kami.

"I'm sorry. Hindi ko agad napansin yung tawag mo, may ginagawa lang ako sa bahay."

"It's okay. You're here now," tugon ko rito na may ampat na ngiti sa labi.

Nakakatitig lang ako sa labas ng bintana, tila nahuhumaling sa mga sumasayaw na ilaw sa labas. "Sana ikaw na lang."

"Ano?" Tanong nito sa akin nang may pagtataka.

"Alam mo bang first year pa lang tayo gusto na kita. Gustung gusto." Sabi ko rito sabay tawa.

Not Over YouWhere stories live. Discover now