Part 9

1 0 0
                                    

Medyo masakit pa ang ulo ko ng imulat ko ang aking mga mata. Nasisilaw rin ako sa mga nakabukas na ilaw. Nang medyo maka-adjust na ang mata ko sa liwanag, nakita ko si Billy na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Mukhang nasa hotel room na ako.

"Bakit ako andito?" tanong ko kay Billy na parang nagulat na marinig akong magsalita.

"Ayun, nagising ka din," tugon nito at humiga sa tabi ko. "Kasi po, napakaduwag mo."

Hindi ko pa rin maintindihan ang pinagsasabi niya. At nagawa pa akong asarin.

Tila nahalata ang pagtataka sa mukha ko, kinwento na sa akin ni Billy ang nangyari.

"Nagbanana boat tayo kaninang apat nina Francis at Xander..." naaalala ko 'to "tapos nung bumibilis na yung paghatak sa atin ng jet ski, nagpanic ka..." teka parang naaalala ko na, "ewan ko ba sa'yo. Akala ko naman nawala na yang takot mo sa tubig. Ayun nagpanic ka nga at sumigaw na huminto na tayo. Para kang ewan kanina, galaw ka ng galaw sa banana boat. Pati kami nataranta sa'yo. Ayun tumumba yung banana boat at hindi sinasadyang tumama yung siko ni Xander sa'yo kaya ka nahimatay." NAKAKAHIYA!

"Asan sina Francis?" tanong ko sa kanya.

"Umalis lang para ihatid yung doctor. Buti nga at may nakapunta agad dito para tingnan ka," sagot ni Billy.

Medyo kinapa-kapa ko ang ulo ko at nakaramdam nga ako ng malaking bukol. Kumikirot ito kaya napangiwi ako. Nakita naman ito ni Billy kaya bigla siyang tumayo upang kunin ang ice pack na muli niyang pinalamig sa loob ng ref.

"Huwag ka na munang gumalaw baka lalong kumirot yan," utos niya. "Nagugutom ka ba?"

"Medyo. Anong oras na ba?" tanong ko.

"Alas sais na. Halos tatlong oras ka ring tulog diyan. Akala ko nga hindi ka na gigising," pang-aasar nito.

"Gago," pangiti kong tugon.

"Wait lang ikukuha kita ng pagkain," ani Billy at lumabas ng kwarto ko.

Narinig ko namang tumunog ang telepono ko kaya hinanap ko ito. Kahit masakit pa ang ulo ay tumayo pa rin ako at kinuha ang telepono sa may table sa tabi ng TV.

"We're stuck here sa city, may aksidente and hindi makadaan yung mga sasakyan. How are you?" text ni Francis sa akin.

"Okay na, kakagising ko lang. You don't have to worry, kasama ko naman si Billy. Ingat kayo pag-uwi."

Matapos kong sagutin ang text niya ay muli akong humiga sa kama para magpahinga. Medyo nahihilo pa rin kasi talaga ako. Ginising na lang ako ni Billy upang kumain. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaidlip. Medyo nabawasan na rin ang sakit ng ulo ko.

"Oh ito, nagpaluto ako sa kanila ng paborito mo," sabi ni Billy habang inaayos ang pagkain sa lamesa.

"Dapat nagparoom service ka na lang," banggit ko.

"Eh baka kasi hindi nila makuha yung gusto mong luto eh kaya medyo kinulit ko sila. Buti na lang at tayo lang ang guests dito kaya nasunod nila yung sinabi ko."

Inalalayan ako ni Billy papunta sa lamesa. "Kaya ko naman na maglakad mag-isa. Hindi naman ako baldado," ani ko rito.

"O sige, kapag ikaw tumumba dyan hahayaan na lang kita," paasar nitong sabi.

Dahil napansin kong nagtampo ito ay humingi na ako ng tawad na agad naman niyang tinanggap. Nang nakaupo na ako sa lamesa ay tsaka ko lang napansin ang pagkain at talagang lumaki ang mga mata ko sa aking nakita. Syempre ay hindi nakaligtas kay Billy ang naging reaksyon ko.

"Sabi ko na matutuwa ka dito e," nakangiti nitong sabi.

Nakahain sa lamesa ay hawig ng paborito kong tapa sa Rodic's. Sikat ang kainang ito sa UP kung saan kami nag-aral ni Billy. Halos dito kami lagi kumakain. Talagang paborito ko itong kainang ito. Naging saksi na rin ito sa pagkahaba-haba naming kwentuhan ni Billy habang kumakain.

Not Over YouWhere stories live. Discover now