"So, what are we doing here?" tanong sa akin ni Justin.
Tinawagan ko sina Justin at Christian at sinabihang magkita kami sa condo dahil may importante kaming pag-uusapan."I need your help, guys," ang tugon ko sa kanila at ikinuwento ko na nga ang plano ko.
Madalas kong katext sina Justin at Christian para sa mga kailangan kong gawin upang makausap ulit si Billy.
Kahit papaano ay sinusubukan ko pa rin siyang tawagan at i-text pero hindi na ako masyadong nagpipilit dahil sobrang na-eexcite ako sa naisip kong plano.
Magpapanggap si Christian na may problema at hihingi siya ng tulong kay Billy. Naisip ko na baka tanggihan siya ni Billy kaya ang sasabihin ni Christian ay nilapitan niya na kaming dalawa ni Justin pero wala kaming magawa para matulungan siya.
Magpapasama siya sa isang probinsya para bisitahin ang kamag-anak niya na kunwari ay may malubhang sakit. Pero pagdating nila dun ay magugulat na lang si Billy na ako ang madadatnan nila.
Sa isip ko ay wala na siyang magagawa kundi ang kausapin ako. Alam kong malaki ang posibilidad na magalit siya sa akin pero kapag narinig na niya ang mga sasabihin ako, naniniwala akong matutuwa rin siya.
Halos hindi na ako makatulog sa sobrang kaba at pag-iisip. Maaari rin kasing pumalpak lang talaga ang mga plano namin.
Sa petsang napagkasunduan namin kung kailan namin gagawin ang plano ay nauna na kami ni Justin pumunta ng Batangas para maihanda pa namin ang lugar. Si Christian ang nakipag-usap sa may-ari ng resort na nakilala niya sa isang event na inorganize niya. Susunod na lang si Christian na kasama si Billy mamayang gabi.
"Sa tingin mo ba magwowork 'tong plano ko?" tanong ko kay Justin habang inaayos namin ang isang cottage kung saan ako madadatnan ni Billy.
"Oo naman. I mean, it has to work para naman sumaya na kayong dalawa. Masyado na kayong madrama, eh," ang tugon ni Justin.
"Sana nga," ang mahina kong sagot na sinundan ng buntung hininga.
Hapon na nang matapos namin ni Justin ang pag-aayos. Habang nagpapahinga ay tinext ko si Christian at kinumusta sila ni Billy.
Mga limang minuto na ang lumipas ay wala pa akong natatanggap na sagot kaya napagpasyahan kong maligo na lang muna.
Habang naliligo ay napakaraming pumapasok sa aking isip. Sinusubukan kong isipin kung ano ang magiging reaksyon ni Billy kapag makita niya ako. Maiiyak ba siya sa sobrang tuwa ang mamumula sa sobrang galit?
Marahil, sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko narinig na tumutunog ang aking telepono. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakalimang tawag na si Christian sa akin na hindi ko nasasagot kaya tinawagan ko na lang siya.
"Friend..." ang nangangatal na sagot ni Christian sa tawag ko.
"O, bakit?" ang may pag-aalala kong tanong.
"May kasalanan ako sa'yo," ang tugon ni Christian.
"Ano yun?"
"I'm so sorry, Mike," wika ni Christian na halata kong kabadong kabado.
"Sabihin mo na Christian," ang tugon ko na kinakabahan na din.
"When you texted earlier dapat magrereply ako sa'yo," pag-uumpisa ni Christian.
"Tapos?"
"Sa kanya ko nasend..." ang mahina niyang tuloy.
"Baka naman hindi niya nagets. Ano bang sinabi mo sa text?" ang tanong ko kay Christian. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil ramdam ko sa boses niya ang kaba at hiya. Pero para akong binagsakan ng langit sa narinig ko.
YOU ARE READING
Not Over You
Romance"You know I'm just kidding. Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan tuwing nagkukwento ka ng mga nangyayari sa yo. Because I know you don't deserve any of that. At hindi ako titigil kakaumpog ng ulo mo sa pader until you realize that yourself," sago...