Part 10

1 0 0
                                    

"Nasaan si Billy?" tanong sa akin ni Christian.

"Hindi ko alam," maikli kong tugon dito.

"Hindi ba magkasama na kayo sa unit mo?" dagdag nitong tanong.

"Oo."

"O, bakit hindi mo alam kung nasaan siya?"

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng meeting room na nireserve ni Christian sa isang sikat na restaurant sa Makati para sa get-together namin. Nakita kong pumasok ang isang makisig na Billy.

Hindi ko alam pero parang may iba sa kanya. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita.

"Gising ka?! Narinig mo lahat?!" ang gulat na sabi ni Billy.

Nakahiga ako sa kama upang magpahinga nang bigla akong tabihan ni Billy. Nasa resort kami kasama si Francis pero nang gabing iyon ay kaming dalawa lang ang naroon dahil na-stranded si Francis sa city kasama si Xander nang ihatid nila ang doktor na tumingin sa akin matapos akong himatayin.

"Oo..." ang mahina kong tugon rito.

Bigla itong napatayo at naglakad papalayo sa kama kung saan ako nakahiga. Sinundan ko siya sa veranda at naabutan ko itong paikot-ikot doon na parang hindi mapakali.

"Narinig mo talaga lahat?" paulit niyang tanong.

"Oo nga. Sinusubukan kong matulog kaya ako pumikit nang maramdaman kong tumabi ka sa akin. Magsasalita sana ako kaso bigla ka namang nagsalita," paliwanag ko.

"Mike..." ani Billy habang nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala. Pag-aalala dala ng takot na baka masira ang pagkakaibigan namin; pag-aalala na baka magkailangan kami.

"Look, Billy. I have to admit na ilang linggo na rin akong naguguluhan tungkol sa ating dalawa. Mula nung may nangyari sa atin..." putol ko sabay buntong hininga. Nakita ko si Billy na nakatitig sa akin at tila hinihintay kung ano ang susunod kong sasabihin.

"Mula nung may nangyari sa atin, naguluhan ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa'yo. Alam kong mahal kita bilang best friend ko. Pero hindi ako sigurado kung hanggang doon na lang ba talaga yun o higit pa. Sinusubukan kong hindi isipin dahil ayoko ngang masira ang pagkakaibigan natin."

"Ayoko rin naman masira ang pakakaibigan natin kaya nga wala akong balak na sabihin sayo ng harapan. Ang akala ko naman kasi eh tulog ka na kanina," tugon nito.

"Yun na nga. Masyado nang mahaba ang pinagsamahan natin kaya parang delikado na isugal natin iyon para sa nararamdaman nating hindi pa rin naman tayo parehong sigurado kung kaya nating panindigan," sabi ko kay Billy.

Bakas sa mukha ni Billy ang lungkot sa narinig. Alam kong mmedyo harsh ang pagkakasabi ko sa kanya pero yun lang ang naisip kong paraan para magising kami pareho sa isang posibilidad na pilit naming ginagawang totoo.

Nang magising ako kinabukasan ay wala si Billy sa kwarto namin. Nakita ko itong nakikipag-usap kay Francis malapit sa beach.

Nang lapitan ko sila ay kinamusta ako ni Francis. "Masakit pa ba ulo mo?"

"Hindi na," tugon ko.

"Sige, after nating mag-almusal, mag-ayos na tayo ng gamit para makauwi na tayo," ani Francis.

Si Billy naman ay nakatitig lang sa karagatan habang nag-uusap kami ni Francis. Bigla itong tumayo at nagpaalam na mag-aayos na raw ng gamit.

Pagkaupo ko sa tabi ni Francis ay may tinanong ito. "Bakit parang hindi kayo nagpapansinan? May nangyari ba kagabi?"

"Wala naman. Baka inaantok pa lang 'yun," ang sabi ko.

Not Over YouWhere stories live. Discover now