Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng lumipat sa tinitirhan kong unit si Billy. Aaminin ko, mas masaya ako ngayon dahil siyempre, hindi na lang ako mag-isa sa bahay. Kapag uuwi na ako galing trabaho, alam kong may makakasama na akong kumain ng dinner at makakakwentuhan hanggang sa antukin kami pareho.
"Kamusta na nga pala kayo ni Francis? Nagparamdam na ba ulit sa iyo?" tanong ni Billy sa akin habang kumakain kami. Biyernes ngayong araw at nagpasya kami pareho na huwag lumabas at tumambay lang sa unit.
"Oo, tumatawag at nagtetext pa rin pero hindi ko sinasagot," tugon ko sa kanya.
"Bakit?"
"Hindi ko alam. Ayoko lang," maikli kong tugon.
"Hindi ka ba willing na bigyan siya ng isa pang chance? Mukha namang naayos niya na ang buhay niya," pag-ungkat pa ni Billy. Ito minsan ang ayoko sa kanya. Wala talaga akong ligtas hangga't hindi niya naririnig ang gusto niyang sagot galing sa akin.
"That's exactly why I do not want to be in his life again. Baka magulo na naman nang dahil sa akin."
"That's not your decision to make, Mike. Si Francis na ang may gusto na magreconnect kayong dalawa. I think you should give it a shot. Who knows, diba?" pangungulit ni Billy. "Akin na yang phone mo."
Hindi ko alam kung anong balak nitong gawin pero para wala nang mangyari giyera, binigay ko na lang sa kanya.
Mga ilang minuto rin siyang nagpipindot sa telepono ko. Nakita ko rin na ngumiti siya kaya alam kong may masama itong binabalak.
Binalik lang niya sa akin ang telepono ko nang magring ito.
"Hello?" ani ko.
"Migs, I like your idea. May alam kong magandang pwede nating puntahan," wika ng kausap ko sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang saya.
"Uh, Francis?" pagtataka ko. Kita kong ngumingisi si Billy. Naku, kung pwede ko lang bugbugin ang isang yun.
"O pano, we'll just meet tomorrow? Just text me your address para sunduin kita sa inyo. I guess okay na yung overnight. Mga Sunday afternoon tayo umuwi para hindi bitin," sunus-sunod na sabi ni Francis.
Wala na akong nagawa kung hindi ang umoo. Pagkababa ko ng telepono ay tiningnan ko nang masama si Billy.
"O bakit? I'm just doing you a favor, Mike," nakangiti pa ring sabi ni Billy. Gusto kong mainis sa kanya pero nagpapacute na naman ang loko.
Mabuti na lang at nakaisip ako ng magandang paraan para makabawi sa kanya.
"Fine. Sasama ako sa kanya sa isang kondisyon," wika ko.
"Ano yun?" nagtataka niyang tanong?
"Sasama ka sa amin."
– – –
"Pasensya ka na Francis, ah. Pinilit ako, eh," nahihiyang wika ni Billy.
Tulad ng inaasahan ko, walang nagawa si Billy kundi gaiwn ang gusto ko. Tutal, ideya naman niya na lumabas kami ni Francis kaya nakakahiya kay Francis kung hindi ako sasama. Pagdating ni Francis sa condo ay nagulat siya na ang dami nakahandang bag.
"Okay lang. As long as makasama ko si Migs," nakangiting tugon ni Francis.
Isa-isa na naming nilagay ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan ni Francis. Medyo madami akong dinalang gamit. Nakaugalian ko na kasing magdala ng sobrang mga damit. Natatakot akong mawalan ng isusuot kapag nasa malayong lugar ako.
"Saan nga ba tayo pupunta?" tanong ko kay Francis.
"Basta, malalaman nyo na lang mamaya," tugon niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/58830807-288-k732405.jpg)
YOU ARE READING
Not Over You
Romance"You know I'm just kidding. Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan tuwing nagkukwento ka ng mga nangyayari sa yo. Because I know you don't deserve any of that. At hindi ako titigil kakaumpog ng ulo mo sa pader until you realize that yourself," sago...