Nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa bintana ng kwarto. Medyo masakit ang ulo ko dala na rin marahil ng pagkalasing ko kagabi. Pagtingin ko sa aking kaliwa ay nakita ko si Billy na tulog pa ring nakahiga sa aking braso at muling nanumbalik sa akin ang nangyari kagabi.
May nangyari sa amin ni Billy. Shit. Hindi ko ngayon alam kung paano kami mag-uusap nito kapag nagising siya.
Nakatitig lang ako sa kisame habang sinusubukang intindihin ang nangyari.Lasing lang kami pareho kaya namin nagawa iyon. Walang magbabago sa samahan namin.
Dahan-dahan kong inalis ang aking braso sa ilalim ni Billy para hindi ito magising. Pagtayo ko ay doon ko lang napansin na pareho pa pala kaming walang saplot. Hindi ko mapigilang mamula sa itsura naming dalawa. Sinuot ko ang boxers at T-shirt ko at lumabas sa terrace nila para makapagpahangin.
"Salamat at hindi nagbago ang pakikitungo mo sa akin after ng drunken episode ko nung isang araw," ang nahihiya kong sabi kay Billy nang magkita kami ulit nito dalawang araw matapos kong aminin na nagkagusto ako sa kaniya.
"Sus. Okay lang yun. Past is past, right?" tugon nito.
Nakatitig lang ako sa kawalang habang inaalala ang nakaraan nang biglang may magsalita sa aking likuran.
"About last night..." paumpisa nitong sabi.
Nilingon ko siya at nakita kong grabe ang pakapahiya niyo sa nangyari kagabi. Sa pagnanais kong mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa ay sinubukan kong ibahin ang topic.
"Nagugutom na ako. Anong gusto mong breakfast? May maluluto ba sa kitchen mo?" sunud-sunod kong tanong.
Tila alam na ang gusto kong mangyari ay huminga na lang ito ng malalim at mahinang sumagot sa akin, "May bacon pa yata sa ref."
Tumayo ako para pumunta ng kitchen. Nang magkatinginan kami ay isang ngiti ang binigay ko sa kanya bilang tanda na okay lang ako. Pero okay nga lang ba ako? Hindi basta-basta ang nangyari kagabi.
Dumiretso ako ng kitchen at nagluto ng breakfast naming dalawa. Nagtimpla na rin ako ng kape. Hindi agad sumunod si Billy sa akin. Marahil ay nagiisip-isip din ito. Naghahain na ako ng marinig kong pababa na siya. Sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng dibdib ko.
Umuupo na ito sa lamesa habang ako naman ay sinusubukang itago ang kung anumang kabang nararamdaman ko. Umupo na rin ako sa tapat niya at inumpisahang kainin ang niluto kong bacon and egg.
Habang tahimik akong kumakain ay nagsalita si Billy. "Hindi natin pwedeng hindi pag-usapan yung nangyari kagabi," wika nito. Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko ang mga nangungusap nitong mata. Nabanaag ko rito ang pag-aalala. Tulad ko ay nag-aalala rin siya sa magiging epekto ng nangyari sa pagkakaibigan natin.
Dahil hindi ako tumugon ay muling nagsalita si Billy. "Lasing tayo pareho last night pero I'm very much aware sa nangyari sa atin. Pareho lang tayong malungkot kagabi. Pareho tayong nawalan ng partners. Sana hindi yun makaapekto sa pagkakaibigan natin."
"I'm sorry din. I took advantage of your vulnerability. Ako yung mas sober last night. I could've prevented it from happening but I didn't," ang mahina kong tugon dito habang nakatingin lang sa pagkain sa aking plato.
Natahimik na naman kami ng ilang minuto. Sa pagnanais kong mabasag ang katahimikan ay tinanong ko si Billy, "We'll get through this, right?"
Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng isang nakakapanatag na ngiti. "Oo naman. Tayo pa. Ilang beses na ba tayong nagkaroon ng issues pero nagkakaayos naman tayo palagi."
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Marahil nga ay awkward pa lang kaming pareho sa nangyari. Kailangan lang namin ng konting panahon para makaget over.
YOU ARE READING
Not Over You
Romance"You know I'm just kidding. Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan tuwing nagkukwento ka ng mga nangyayari sa yo. Because I know you don't deserve any of that. At hindi ako titigil kakaumpog ng ulo mo sa pader until you realize that yourself," sago...