Part 11

1 0 0
                                    

Dahil nakakagulo na kami sa mga ibang tao sa loob ng coffee shop ay nilapitan kami ng manager.

"Sir, if you don't mind. Baka pwedeng sa labas na po kayo mag-usap dahil may nagrereklamo na pong ibang customers," ani Jeff, ang coffee shop manager.

Lumabas kami ni Christian ng coffee shop na akay-akay si Billy.

"Look what you've done. Gumawa ka pa ng eksena," pagalit kong sabi rito ng marating namin ang sasakyan ni Christian dahil hindi namin makita ang kotse ni Billy.

"I'm sorry," ani Billy habang nakaupo sa nakabukas na kotse. "I just can't keep it anymore. Ang hirap, Mike."

"Ah, magyoyosi lang muna ako saglit. Balikan ko kayo later," sabi ni Christian upang makapag-usap kami ng maayos ni Billy.

"Bakit ka ba nag-inom?" tanong ko rito.

"Mula nung bumalik tayo galing sa beach, hindi na napanatag utak ko. Kahit na anong pilit kong iwasan ka. Lagi na lang kitang naiisip. Kaya ang sabi ko, baka mas okay if hindi na muna ako umuwi sa condo. Akala ko okay na pero nang makita ulit kita mamaya, doon ko narealize na parang mas tumindi pa yung nararamdaman ko para sa'yo.

"Hirap na hirap na ako, Mike. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin para patunayan sa'yo na totoo ang sinasabi ko," tuluy-tuloy na pagsasalita ni Billy.

"Hindi ko naman sinasabi na hindi totoo yang sinasabi mo. Ang sa akin lang..." putol kong sabi dahil nagsalita agad si Billy.

"So ano nga ang problema?" tanong nito habang nakatitig sa akin. Halos maluha-luha na ang kanyang mga mata.

"Natatakot ako na hindi magwork yung relationship tapos masisira pa natin yung friendship natin," eksplika ko sa kanya.

"Palaging yan na lang ang sinasabi mo," sagot nito na tila naiinis.

"Eh ano ba dapat?"

"Natural lang sa dalawang tao na pumapasok sa isang relasyon ang mag-risk, Mike. Lahat ng tao may sinasakripisyo. Hindi lang ikaw ang takot, Mike. Takot rin ako. Pero hindi ko hahayaan yun na pigilan akong mahalin ka," ani Billy.

"Pero Billy," maikli kong sambit.

"Ang sabihin mo, wala ka na lang maisip na dahilan para hindi mo maamin sa sarili mo na mahal mo rin ako. Kaya palagi na lang yang takot mo ang idinadahilan mo. Matalino ka, Mike. Alam kong alam mo na tama ang sinasabi ko."

Hindi ako nakasagot sa kanya. Dahil tama siya. Kung tutuusin, napakadaling mahalin ni Billy. Mabait, matalino, gwapo at talagang alam kong totoo ang mga sinasabi niya. Sobrang takot lang talaga ako na mawala siya.

"At huwag mo rin sabihin sa akin na baka maging panakip butas lang natin ang isa't isa. Kilala mo ako, Mike. Hindi ako basta-basta nagsasabi na mahal ko ang isang tao kung hindi ako sigurado. At kung panakip butas lang din naman ang hanap mo, edi sana matagal ka nang nakipagbalikan kay Francis."

Muli, tama na naman siya.

"Look, tsaka na natin pag-usapan 'to. Lasing ka. Umuwi na lang muna tayo," ang wika ko rito.

"Mike," ang mahina sabi ni Billy. Nakita kong tumutulo na ang luha nito. "Mike, takot rin ako na baka hindi magwork ang relationship natin kapag maging tayo. Pero willing akong gawin ang lahat para hindi mangyari yun. At hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan, diba?"

"Billy, umuwi na lang muna tayo. Kailangan mo nang magpahinga. Kailangan ko ring mag-isip-isip," ang tugon ko rito. Hindi na siya sumagot at pumasok na lang sa loob ng sasakyan.

Umalis ako para hanapin si Christian. Nakita ko itong nagyoyosi sa tapat ng coffee shop at kausap.

Nang papalapit ako sa kanila ay pumasok na muli sa loob ng shop si Jeff.

Not Over YouWhere stories live. Discover now