Part 3

1 0 0
                                    

"Enough about me. Kamusta na kayo ni beau?" Hanggang ngayon, iffy pa rin ako sa tawagan nilang dalawa.

"Two weeks na," ang casual niyang sagot.

"Two weeks ka nang buntis?"

"Two weeks na siyang hindi umuuwi sa bahay."

Teka tama ba ang dinig ko? Ang idol couple ko ay on the rocks?
"Teka bakit?"

"Umuwi muna ulit siya sa kanila."

"Obviously. What I meant was bakit bigla siyang hindi umuwi sa inyo?"

"May pinagtalunan lang kami."

"And you're only telling me this now?"

"Akala ko kasi isa lang to sa petty fights namin. Kilala mo naman kami, maraming petty quarrels."

"Oo nga, but still, bakit hindi mo sinabi sakin?"

"You were having problems of your own. Ayoko nang dagdagan."

Medyo nakonsensya ako sa sinabi niya. Sa sobrang busy ko magkwento tungkol sa problema ko sa buhay, nakalimutan ko na siyang tanungin kung kamusta siya.

"Anong pinag-awayan ninyo?"

"Nakakahiya. Sobrang petty lang."

"O, kung petty lang pala, bakit umabot kayo sa ganyan?" tanong ko sa kanya.

"Petty yung bagay na pinag-awayan namin. Pero yung pag-aaway namin was the complete opposite of petty. Kilala mo ako Mike, as much as possible hindi ako makikipagsigawan. Pero lately, even before that fight, kapag nagtatalo kami, madalas na rin kaming nagkakasagutan."

"Gaano na nga kayo katagal ni Patrick?"

"Nine years, ten months. Bakit?"

"Baka tapos na kayo sa honeymoon period."

"Baliw. Ang tagal namang honeymoon period nun? Tsaka what does that say about us as partners? Porke hindi na happy-happy palagi bigla na lang maghihiwalay?"

"Wait, so are you saying na hiwalay na talaga kayo?"

"We haven't talked since that night. No text, no calls, whatsoever. And I'm not keen on initiating such right now. So I guess, it's over."

"And you're okay with it?"

"Of course I'm not. But I try to compose myself. Kaya nga din ayokong pinag-uusapan dahil baka magbreakdown ako."

"Pero magkasama pa rin kayo sa work diba?" tanong ko.

"Oo, pero nasa ibang floor siya diba and ibang department so wala din kami talagang interaction."

"Hindi nagtataka officemates niyo?"

"Bakit naman sila magtataka eh hindi naman nila alam."

"Sinong niloko mo. I'm sure may idea sila. And I'm sure na may nakakapansin na hindi na kayo sabay kumain tuwing lunch break niyo."

"Well, the hell with them."

"Wala ka na talagang balak ayusin?"

"Meron naman. Pero this time, dapat siya ang mag-initiate."

"Ano ba kasi 'yang pinag-awayan niyo?"

"Ganito kasi yun. We're still paying for the house na tinitirhan namin, na ako na lang ang nakatira ngayon. Eh last month, supposedly, turn niya to pay. Eh kaso nagipit siya dahil nagkasakit yung kapatid niya. So I offered na ako na lang muna kasi alam ko naman yung sitwasyon niya. Ayun, he took offense with what I said. Kung anu-ano na nasabi namin sa isa't isa."

Not Over YouWhere stories live. Discover now